Luha sa mga mata,
puno nang pait at pagkabalisa.
Mga bagay na nagpapa-alala sa'yo,
nanunumbalik sa akin na parang kay bago.Akala ko ba ako?
Akala ko ba maaring pwedeng magbago?
Ako pala'y isang uto-uto,
umaasang masuklian nang pagmamahal ng isang tulad mo.Nawalan nang saysay,
lahat ng aking ibinigay.
Nagsisi na sinubukan ika'y abutin,
mga ngiti'y kay hirap na pilitin.Bubuhos pa ba ang ulan sa kalangitan?
Nais ko sanang madama ang patak ng ulan.
Iwasan na masilayan muli ang buwan,
nang sa ganoon ay maikubli ang luha ng kalungkutan.Nabura na ang kinang sa mata,
napalitan na nang lungkot at pangungulila.
Pagdaramdam na hindi mo dama,
hindi kasi magkapareho ang ating nadarama.Minahal kita sa paraang alam ko,
sakit, sana'y makabangon pa ako sa bagyo ng pagkalugmok ko.
Binitawan ka dahil iyon ang nararapat sa ating dalawa,
ngunit ang palayain ka'y hindi madali dahil ako'y pinipilit na isiping baka babalik ka pa.Akala ko natapos na,
hindi pa pala dahil ako ay umaasa pa.
Hanggang dito na lang ba talaga?
'Di bale na, magiging masaya rin ako nang wala ka, sana.Huling yugto,
huling mga talata na ikaw ang laman ng liriko sa kantang binuo ko.
Ikaw bilang ngayon,
hindi na ikaw sa paglipas ng panahon.Hindi magiging aking tinatangi,
dahil hindi ako ang pinipili.
Pagbukalat ng pahina'y pinahid ang luha ng saya,
paglaya sa pag-ibig mo ang siyang nadama.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoésieThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!