IKAW, AKO AT SIYA

4 1 0
                                    

Bawat umaga,
galak ang nadarama tuwing ika’y nakikita.
Lumiliwanag ang madilim kong silid,
sumasaya ang malungkot na paligid.

Iyong ngiti na hindi maiihalintulad,
bawat salitang binibigkas mo’y sa puso nagpapatingkad.
Pilit na itinatago,
kunwaring wala para ikaw ay maiwasan ko.

Kinukulit mo ako'y nagagalit,
ngunit sa kaloob-looban ay gustong maglumpisay dahil kilig ay abot langit.
Sinusulat ang iyong pangalan sa likod ng papel,
ini-imahe na akin ka na at mayrool tayong ‘label’.

Sa mundong aking ginawa kasama ka,
walang may hadlang sa ating dalawa.
Ngunit sa reyalidad na kung saan ay totoo ka,
lahat sila ay nagagalit tuwing nilalapitan ka.

Oo, mayroong tayo sa mundong ginawa ko,
masaya ka at ganoon din ako.
Katotohanan talaga ay sampal sa akin,
sakit naman isipin na hindi talaga naaayon ang lahat para sa atin.

Bibitaw, susuko na sa pagkapit sa mga pinangako ko sa sarili,
gamit ang eroplanong papel ako ay nagtapat at binuhos ang damdamin umaaasang ako'y mapipili.
Ang langit na siyang saksi,
ang tindi ng sakit na hindi ko mawari.

Binalikan ang dating tagpuan,
iniwan kasama sa papel ang mga ala-ala’t binitawan.
Ako ay nagtangis,
hindi lang dahil sa sakit kung ‘di dahil sa aking nasaksihan na sa piling niya'y ikaw ay masaya nang labis.

Nanliit at nanlumo,
gumuho lahat ng aking plano.
Tumakbo papalayo upang hikbi ko'y hindi mo marinig,
ngunit, sa estranghero ako'y nabunggo sa kaniyang bisig.

Ako'y napatingin,
lungkot at sakit sa mata niya'y ipinakita sa akin.
Luha niya'y pumatak,
puso ko ay mas lalong nawasak nang siya'y nagsambit ng mga salitang, “nandito ako pero hindi mo nakita, mahal kita pero may mahal kang iba. Naiintindihan ko na ako'y hindi mo pipiliin, ngunit, hayaan mo akong damayan kita kahit itong puso'y namimilipit na sa sakit”.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon