Pariwara at patapon,
pinagkaitan ng panahon.
Paghihirap at paghihikahos,
ni singkong duling ay hindi mailimos.Pakalat-kalat at mabaho,
ginawang masamang tao at inagrabyado.
Sana ay matapos,
paghihirap ko’y parang kandilang hindi maubos-ubos.Pasukong inisigaw,
mga palahaw ng pusong nawalan ng ilaw.
Sinukoan ang pag-asa,
isang makapal na sinulid ang aking hinanda.Dumating ka upang ako’y pigilan,
pagsuko'y iyong tinuldukan.
Ikaw ay bumulong at tumula,
“mahirap lakbayin ang daan na walang sapin sa paa, pero mas mahirap iyong may pag-asa pero takot ka”.Ako'y iyong binihisan,
mga pasa at sugat sa aking puso’y iyong pinagaan.
Ako'y tumangis pero ako ay iyong pinakinggan,
mga problema ko ay hindi mo tinawanan.Ako'y nagpursigi't piniling magbago,
liawanag sa daan ay binigay mo.
Ikaw ay umalalay sa aking paglalakbay,
malungkot at patapong buhay ay bibigyan mo nang buhay.Sana lahat gaya mo,
sana ay lahat sila bukas ang isip upang mga kagaya ko'y maligtas sa delubyo.
Lubos na pasasalamat na paglingkuran ang gaya mo,
madilim ma buhay ay liniwanagan mo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoesiaThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!