Gaya ng mga tala sa kalangitan,
ang hirap mong sungkitin at malapitan.
Ilang pulo ang pagitan,
maraming binibini ang iyong nabihag sa taglay mong katangian.Ninais kong lumapit upang ika'y batiin,
ngunit ako'y napaisip . . . ako ba kaya'y iyong papansinin?
Mayroong pangamba at pag-aalangan ang aking puso,
maraming agam-agam na bumabakod,
maraming inaalala at maraming hindi maipahayag na saloobin.Sa malamig na gabing kay lalim ang aking himbing,
ikaw iyong panaginip na ayaw kong magising.
Sa isang paraiso na puno ng bulaklak,
ikaw iyong matingkad sa lahat at mahalimuyak.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoésieThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!