PAGTANGIS

5 1 0
                                    

Sinubukang lumaya,
ngunit ako'y bigo at hindi pinalaya.
Sinubukang tumakbo papalayo,
ngunit paa ko'y pinatid at hindi ko na maaring maihakbang sa malayo.

Pangarap na maraming balakid at hadlang,
labag man sa kalooban na lumaban ngunit pinilit na lamang sapagkat ang bigo ang siyang hibang.
Kaylan ko kaya masisilayan ang magandang paglubog ng araw sa dalampasigan?
Kaylan ko kaya mararanasan na maging masaya't malaya sa mundong mapang-api na dinungisan ang aking kamusmusan?

Buhay ay sadyang nakakagalit,
kalayaan ko ay siyang pinagkait.
Buhay ko ay siyang kaniyang pinuno ng hirap,
bawat laban ay parang nawawalan ng saysay sapagkat kasing taas ng ulap ang aking pangarap.

Sana ay may itatangis pa ang matang ito,
nang sa ganoon ay maramdaman kong buhay pa ako.
Luha'y aking sinisimbolo ng pagkapit at paglaban,
ngunit sa kaniya ay paghihiwatig ito nang pagsuko at kahinaan.

Ang buhay ay sadyang kay raming pagsubok,
pati kahalagahan mo ay hindi mo na makapa sa isang sulok.
Sana ay hindi pa huli ang lahat upang sumubok muli,
nakakapagod na kasi ang lumaban pa na hindi alam kung ako ba ay magwawagi sa bandang huli.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon