ESTRANGHERO

0 0 0
                                    

Matangkad, maputi,
mapungay ang mga mata’t matatamis ang ngiti.
Larawan mo’y kay mayumi,
bawat gabing naaalala ka ay parang kay saya kung ikaw ay makatabi.

Ako ay nalilito,
tuwing napapanaginipan kita ay parang ang hirap abutin mo.
Ikaw nga ba ay totoo,
huwag naman sanang mabigo itong puso kong umaasa na masilayan ang mukha mo.

Bakit ang hirap pigilan nitong damdamin,
tuwing naiisip kita ay saya ang dulot sa akin.
Sumasaya ang madilim kong palasyo,
lumiliwanag ang pundidong ilaw sa pasilyo.

Tanging tanglaw sa aking pag-iisa,
nagpapaalala na itong puso ay maaring umibig pa.
Ngunit, papaano na lamang kung ikaw nga ay hindi totoo?
Hanggang sa mundong mayroon tayo na lang ba ang ating kuwento?

Paki-usap, huwag mo akong biguin ginoo,
nakakatakot na ang umibig na kapalit ay pighati nitong damdamin ko.
Ngunit, hihintayin pa rin kita kahit na malabo,
aasahan pa rin kita kahit alam kong hindi ako ang dulo.

Sa dating tagpuan sa may dulo,
aasahan kita kahit puso ko'y gulong-gulo.
Kahit manlang sana'y malaman ang pangalan mo,
ginoo ko, mahal kita sana ay batid mo.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon