Luha ng hingapis,
puno ng puot at pagtitiis.
Sakit na dulot ng taong iyong inspirasyon,
na hindi ko inaakala na ako'y gagawa ng ganitong desisyon.Bakit nga ba ako sumuko?
Ah, dahil nasaktan ako at napagod.
Bakit nga ba ako napagod?
Ah, dahil hindi na kinaya ng puso kong namanhid at nadurog.Bukas makalawa ay iisipin ko na lang
na ang mga pangarap na binuo ng aking isip, na isang magandang panaginip.
Magsisisi man ngunit huli na ang lahat,
tatapusin ang mga bagay na hindi mo gusto para lang sa ikakapanatag ng loob mo.Masaya ka na?
Nagawa ko na ang iyong gusto.
Sana balang araw kapag tanongin mo ako kung bakit ko pinatay pangarap ko,
masasagot ko ng, "pinatay ko ang pangarap ko dahil iyon ang gusto mo".

BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PuisiThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!