pilit kong kinakapa ang mga salita,
ngunit kahit anong gawin ay hindi ko pa rin makita.
sa dami ng pwedeng gustohin, pwedeng kilalanin,
puso’t isip ko ay ikaw ang nais at sa'yo lang lagi nakatingin.tila mga bituin sa langit,
kay gandang pagmasdan, ngunit hindi ko masungkit.
nais kitang alayan ng mga tula at gawing paksa,
ngunit kaya mo ba kayang bigyan ito ng halaga? gayong batid ko na kahit presensya ko’y tila anino lang sa iyong mga mata.nais kitang iguhit,
gawing sining, alayan ng kanta, ngunit para saan pa kung hindi mo naman ako nakikita.
tama sila,
nakakatanga pala ang magkagusto sa taong hindi ka nakikita.
![](https://img.wattpad.com/cover/301671175-288-k21210.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PuisiThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!