TAGU-TAGUAN

19 8 2
                                    


Mahirap balikan, masakit titigan.
Mga larawan nating tila multo ng nakaraan.
Ang sabi ko'y kaya ko,
ngunit ako'y bigo.

Mga damdamin na nais ipabatid na kailangan pa rin kita dito sa piling ko,
bakit nga ba humantong sa ganito?
Akala ko ba'y tayo na hanggang dulo,
hindi ko lubos maisip na pinagpalit mo ako at tinalikuran ng walang permiso.

Tagu-taguan, pinili kong magpakalayo sa inyo mabuo lang ang istoryang pag-ibig ninyo na hinahangad mo.
Tagu-taguan, pinilit kong bumangon sa sakit na dulot ng paglisan mo.

Tagu-taguan, dinaan na lang sa ngiti lahat kahit wasak na ako.
Tagu-taguan, dinadalangin na sana'y matuto na akong magparaya ng isang gagong katulad mo.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon