SPOKEN POETRY: GINUGUSTO KA

0 0 0
                                        

Lima, limang beses ko nang pinaalalahanan ang sarili na huwag gustuhin ka pero hindi ako nadala.
Sinubukan kong umiwas, lumihis ng landas pero heto pa rin ako, bumabalik sa nakasanayang daan na kung saan naroon ka.
Nakakatawa ngang isipin na nang dahil lang doon nagsimula akong humanga,
humanga sa mga isinusulat mo, sa mga salita, sa gawa, sa kilos at sa lahat na mayroon ka.

Hindi yata pana ang dala ni kupido nang ako'y pinana niya, dahil kasing lakas ng bomba na biglang sumabog nang maramdaman kong gusto kita.
Tuwing may ginagawa ay naaalala ka, at iyong sandaling iyon kung bakit tayo nagkakilala.

Tuwing nagp-pop ka sa notification ay sobrang saya ang nadarama, tili at hampas ang nagagawa habang may ngiting namutawi sa labi habang umaasa na laman noon ay ako sana.
Pero, ako nga ba? O, ako nga ba ay umaasa lang na sana ay ako'y hindi pinaasa. Sino ba ang nagsabing ako ay umasa? Hindi ba't wala?

Bawat ikot ng orasan ay nababagot kaka-antay na sana'y may mensahe ka, tanga na kung tanga pero nakokontento na lang ako na kakulitan ka sa social media.
“Hindi pa ito ang tamang oras para sa ating dalawa.”
Iyan ang paulit-ulit na paalala ko upang pigilan na padalhan ka ng mensahe upang kamustahin ka.

Pero alam mo bang ikaw ang paksa sa mga tulang sinusulat ko?
Paniguradong hindi kaya naglakas loob akong sumulat upang ipahayag ito.
“Ikaw ang nagsilbing tanglaw sa daan na gumagabay sa akin kung saan ako paroroon. Hayaan mong ikaw ang gawin kong inspirasyon habang kinakamit iyon. Hayaan mo itong mga salitang nais ipabatid ang maging tulay upang sa dako paroon ako’y matunton. Balang araw ay malalaman mo rin itong aking pagkagusto sa isang natatanging kagaya mo.”

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon