Hindi puwede,
puso mo'y hindi na bakante.
Parang oo, parang hindi,
minsan tama, minsan mali.Ikaw, ako, tayo,
mali, walang tayo.
May harang sa gitna,
malaki, matayog, sinta, kahit hindi ka akin ay malaya ka na.Iwas dito, iwas roon.
Kaba sa dibdib ay damang-dama kapag paningin mo'y sa akin nakatuon.
Lumalabo na maging tayo,
umasa na naman ako, akala ko kasi ako ang gusto mo.Patawa ka tadhana,
ginagawa mo na naman akong tanga para sa wala.
Puwede bang tama na tayo sa gagohan,
nakakapagod na rin kasing maniwala tunay ang pag-ibig, parang awa, ayoko na maging luhaan.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!