Paghuling tula na buong puso kong ilalaan,
para sa lalaking labis kong pinahalagahan at pinaka-iingatan.
Sumumpang hindi muli iibig,
ngunit dahil sa iyong mga matatalinhagang mga salitang aking sinambit na pangako'y nilista na lang sa tubig.Alam kong maari na iba ang kahihinatnan,
subalit sumugal akong maging malapit sa'yo upang makilala ka nang tuluyan.
Alam mo ba kung paano ako nahulog sa isang katulad mo?
Malamang hindi kaya heto't sasabihin ko.Gusto kita bilang ikaw,
walang sukatan ng kung ano pero damdamin ko'y malinaw na ikaw ang sinisigaw.
Korni ba pakinggan?
Pasensya na at ganito ako maglahad ng nararamdaman.May katangian ka na wala ang iba,
bukod tangi ka at gaya ng isang diyamante ay gusto kitang pahalagahan at ayaw na mawala.
Kapag kausap ka ay labis ang tuwa,
hindi mapigilang mapangiti habang naalala ang iyong maamong mukha.Ang iyong kabaitan ay hindi maihahalintulad sa kahit ano,
ginoo, anghel ka na na bumaba sa lupa at nagkatawang tao para magbigay ng saya sa isang katulad ko?
Maginoo ka at marespeto,
Ikaw ba si Juanito Alfonso?Baliw na yata ako,
sa sobrang pagkahulog ko sa'yo ay hindi ko alam kung makaka-ahon pa ba ako.
Pag-ibig na kaya ito?
Ewan, ang gulo hindi ko na maintindihan sarili ko.Kung sakaling ito'y pag-ibig na nga,
mahalin mo na lang sarili mo ako na ang bahala na mahalin ka.
Tanggapin mo ang sarili mo,
at hayaan mo akong maging iyong taga-suporta na nakaalalay sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!