Tulala at wala sa sarili,
nasa isang sulok at walang imik.
Araw-araw gigising,
umaasang ikaw ay bumalik.Maraming tanong na gustong masagot,
maraming gustong sabihin at nais ipaabot.
Mga tanong na hanggang sa palaisipan na lang,
kasi alam kong hindi mo na ito masasagot to sa'kin ng harapan.Masakit?
Oo, sobrang sakit.
Durog na durog,
wasak na wasak.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo ako iniwan,
palagi kong kinu-kwestyon ang aking sarili kung saan ako nagkulang.
Ang sikip sa dibdib, ang hirap huminga,
ang hirap tanggapin na wala ka na.Aking tinatangi,
biglaan man itong nangyari sa atin.
Mahirap man tanggapin,
ngunit, tinatanggap ko na sa aking sarili na ika'y hindi talaga itinadhana para sa akin.Ang hirap na ika'y palayain,
pero mas mahirap na ipagpilitan ang pag-ibig na 'di para sa atin.
Ikaw ay ang sagot sa aking dalangin,
ngunit, ako yata iyong hindi sagot sa iyong ipinalangin.Hindi ko pinagsisihan na nakilala kita,
kahit nasaktan ako, salamat na lang sa ala-ala na naging masaya ako kasama ka.
Hindi man nagtagal ang ating pag-ibig na akala ko'y walang hangganan,
ngunit nagpasalamat pa rin ako dahil ako'y iyong pinahalagahan.Salamat sa mga masasayang ala-ala,
salamat sa mga pag-aala.
Salamat sa oras na ginugol mo mapasaya lang ako,
salamat sa mga oras na nariyan ka noong kailangan kita sa tabi ko.Alam kong buo na ang iyong pasya na magpakalayo,
nawa'y sana ay mag ingat ka at alagaan ang sarili mo.
Ikaw iyong pinangarap ko na nagkatotoo,
ang masaklap lang ay naging parte lang ako ng buhay mo, pero hindi ako parte sa mga plano mo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!