Inaakala na hindi kita nagugustuhan,
pero pati puso ko, ako’y pinaglaruan.
Nakakatawa lang na isipin na ako’y napa-ibig mo,
ang daya naman neto, “mahal na yata kita” pero hindi puwede lalo na at ikaw ay malayo.Paano ako aahon ulit?
Katangahan kasi, puso’y nahulog ulit.
Kung pwede lang ipagsigawan na “ako na lang sana”,
pero mali eh, maling-mali na hilingin ka.Natatakot ako,
gusto ko na sanang sumugal, pero balakid ang aking mga plano.
Ano nga ba ang pipiliin ko?
Ikaw na may malaking parte sa puso ko o ang pangarap na pinaglalaban ko?Gusto kong kalimutan ka,
pinilit ko ngang lumayo sa'yo upang damdaming ito’y mabura.
Pero sa tuwing pinipikit ang mga mata,
ala-ala na siyang kasama ka ang nakikita.Sinta, pwede bang ako muna’y lalayo?
Lilisanin ko muna ang paraiso na binuo mo.
Sa aking pagbabalik ay siyang pag-alis mo,
hindi na mahalaga kung ako’y hindi mo na tanda, mananatili lang ako rito malapit sa'yo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!