Sa ilalim ng itim na kalangitan,
ikaw ang napakagandang musika na aking napakinggan.
Tila ako'y dinuduyan,
hinihele sa bawat melodiyang aking pinapakinggan.Tama nga sila,
hindi mo nga namamalayan na basta ka na lang bubuo ng tula.
Parang baliw kapag naaalala ka,
ngumingiti na ako mag-isa.Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng alon,
ngunit batid ko'y kapag naging padalos-dalos tayo'y baka pagsisisihan natin ito pagdating ng panahon.
Habang iniisip kita,
tuluyan na naging blangko ang aking isipan.
Mga salita'y hindi ko makapa,
damdamin ay hindi maintindihan.Sa bawat oras na nakapiling ka'y pakiramdam koy mali,
ngunit kakambal naman nito'y saya da tuwing ika'y aking katabi.
Ako'y nalilito,
pag-ibig na nga ba ito.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!