BABALIK PA RIN SA IYO

3 2 0
                                    


Sa himbing nang tulog akoy napadpad,
isang lugar kung saan pamilyar saakin at bukid ay malapad.
Naroon ka, hindi ko mapigilan na ika'y matitigan,
iyong mata ay mayroong itinatagong ngiti sa tuwing ako'y iyong pinagmamasdan.

Ika'y lumapit at nagpakilala ng pormal,
boses ay mahinhin at ekspresyon ay normal.
Nagpahayag ka nang iyong saloobin at iyon ay aking malugod na pinakinggan,
inintindi bawat salita mong mayroong kahulugan.

Habang ako na naman ang nagsasalita ay napansin ko ang ningning sa iyong mga mata,
hindi ko na lang ito pinansin upang hindi ako mataranta.
Kamay ko'y biglang iyong hinawakan nang marahan,
puso ko'y biglang kumabog at natutop sa kinauupuan.

Sumigaw si ina at ikaw ay aking naitulak,
biglang nagbago ang lugar at puso'y nawala iyong galak.
Bigo akong ngumiti, tinanggap na hindi na kita mahahanap,
hindi ko batid na sa susunod pa lang eksena sa aking panaginip ay ako'y iyong nahagilap.

Labis aking tuwa nang binasa ko ang nakasulat sa papel,
may kasama pa itong isang magandang puting damit na kapag isoot ko'y ako ay mistulang magmukhang anghel.
Iniangat ang paningin, nagsalubong ang ating mata,
kasabay nang pintig ng aking puso na saya ang nadarama.

Ako ay biglang nagising, pilit inaalala iyong mukha,
ako ay bigo kaya walang nagawa.
Pamilyar talaga sa akin ang iyong mukha,
hindi ko batid ginoo, tayo na ba'y nagkita?

Kung sakaling makita kita ulit sa aking panaginip,
nanaisin kong makasama ka nang matagal kaysa iisipin lang na ikaw ay aking kathang-isip.
Bigo man akong maalala ang mukha at pangalan mo ginoo,
pero hindi iyong naging hadlang upang iguhit ko sa papel ang iyong matamis na ngiti kahit na malabo.

Kung parte ka man nang aking nakaraan o kasalukuyan,
handa akong maghintay sa tamang panahon na ikaw ay masisilayan.
Hanggang sa tula muna ang gagawin ko ngayon,
pero sisihuraduhin kong sa susunod ay kwento na at tayo ang bida roon.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon