Bago kita nakilala,
humiling ako sa taas na makatagpo ng isang ginoo na aking pahahalagahan gaya ng isang tala.
Bakit nga ba tala?
dahil kung iyong maikukumpara'y sa gitna ng dilim, ikaw ay bukod tanging nagniningning sa itaas.Sa gabing ako'y mapag-isa,
nariyan ka upang samahan ako, ikaw ay naging aking pahinga.
Hindi gaya ng buwan na nagpapalit ng anyo,
ikaw ay nananatiling iisa ang kulay at puro.Dalawang salita,
maaaring magpapabago ng ating turingan sa isa't-isa.
Nakakatakot at nakakakabang iparating,
baka kapag gawin ko'y ikaw ay tuluyan nang lumayo sa aking piling.Hindi puwede,
palagi ko iyang pinapaalala sa aking sarili.
Magsisinungaling man upang ating pagkakaibigan ay mananatili,
hindi na bale kahit na masasaktan ang aking sarili.Magkaibang mundo,
ikaw ay nasa taas, ako'y nasa dulo.
Milya ang layo,
maraming balakid at ang ipaglaban kay sobrang labo.Gusto ka niya, mahal na kita,
pero kahit anong basehan ng nararamdaman alam kong mas lamang siya.
Isang manunulat at manunula na nakakubli sa mga salita,
sukat at tugma'y hindi ko makapa upang maipahayag ito ng tama.Ikaw iyong biglaang dumating na hindi ko inaakala na maiibigan ko,
masyado mang mabilis ngunit puso ko'y nabihag mo.
Pasensya na, ngunit pinapalaya na kita mula sa aking hawla,
maging masaya ka sana at lumigaya sa piling niya.Sa taas ng puno ay gumawa ako ng mumunting bahay-kubo,
iyong pangalan ang nakaukit sa mga punong ginawang pundasyon ko.
Malungkot na ngiti ang nakapaskil sa aking labi, habang binabalik-tanaw ang mga ala-ala na nangyari.Ikinagagalak ko na ika'y makilala,
aking natatangi na dahilan kung bakit dinugtungan ang ginawang kanta.
Dito na lamang magtatapos ang ating kuwento,
isusulat sa nobela upang kahit sa piksyunal ay mayroong tayo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!