DATING TAYO

4 0 0
                                    

Magandang ala-ala,
mga larawan na kaaya-aya.
Ngiti at kilig na nadarama,
na ngayon ay napalitan nang pighati at pangungulila.

Ano ba ang dahilan ng iyong paglisan?
Bakit kung maka-asta ka ay ang dali lang sa'yo na ako'y iwan.
Sadyang panandalian lang ba talaga ang lahat,
o ako lang iyong napupumilit na bigyan nang kahulugan ang mga letrang nakasulat.

Ang hirap naman nito,
ngumingiti ako sa umaga na akala mo'y wala ng sakit pero sa gabi'y kay hirap matulog dahil ang puso ay hindi na buo.
Sana pala hindi ka na lang dumating,
nang sa ganoon ay may pinagtuonan ko pa nang pansin iyong mga importanteng bagay kaysa ikaw ay gawin kong aking sining.

Ito na ang panghuling tula,
sana nga ay palayain ko na ang sarili ko na sa mga ala-ala na kasama ka.
Palayain sa saya,
palayain sa pangungulila.

Patawarin ang sarili,
limutin ang nakaraan alang-alang sa ikabubuti.
Paalam na sa iyo,
paalam na sa pag-ibig na akala ko'y wagas at totoo pero sa huli ay ginawa akong luhaan at kinu-kwestyon kung may halagaba talaga ako sa'yo.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon