Kailangan pa bang itama? O, tama na.
Hindi lang isa, malinaw sa mata na mundong kinalakihan ay hindi naayon sa kung ano ang nais na matamasa.Nakakapagod, nakakatakot,
napakamasalimoot, napuno na nang poot itong puso na masamang alaala ay hindi na malimot.
Luha, hinagpis, pagtitiis, pagtitimpi.
Buhay na iniaasa na lang sa taas na sana'y kayanin at hindi umabot sa magbigti.Hindi na maghihilom,
hindi na gagaling pa dahil puso ay napuno na nang dilim.
Kailan ba papatak ang ulan?
Gusto ko lanh itong itago nang sa ganoon ay hindi nila ako husgahan.Nakakapagod na lumaban.
Nakakapagod na isipin na pagsubok lang ito at kayang-kaya na lampasan.
Buhay ko'y maraming malalaking alon.
Gusto ko na lang maging ako ulit sa kung ano man ako noon.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!