SPOKEN: LALAYO MUNA SA'YO

0 0 0
                                    

Sa mga huling segundo na kasama ka,
ninais ko na sana ay may oras pa ako upang manatili pa.
Pero sadyang mapaglaro si tadhana,
ayaw na niya akong makita at makasama ka.

Ninais ng puso na ika'y tumingin,
pero kahit anong hiling, ayaw talaga akong dinggin.
Bigo, pusong wasak at naninibugho,
talo pa rin ako kahit walang karera para pagmamahal mo.

Ako’y naglaho,
lumisan sa lugar na kung saan masisilayan ko ang ngiti mo.
Pero traydor kasi itong aking puso,
Palagi ka pa ring tinatanaw sa malayo.

Masakit malagyan ng asin ang sugat,
pero mas may isasakit pa pala sa nasayang na pag-asang baka ni minsan mo na rin akong ginawang pamagat.
Umasa ako sa sinabi mong, “ikaw, sasama ka?”
Tanga kasi itong puso, akala ko ay may pag-asa pa.

Dalawang buwan ang lumipas at kay daming nagbago,
gaya mo, ewan ko ba kung paano humantong sa ganito.
Ningning sa mata ay hindi ko na makita,
ngiti mo'y puno ng pagkukunwari ang ipinapakita.

Umaasa pa rin ako sa notes; sa mga patama mo,
lintek kasi at ako ay may tama sa'yo.
Pero alam ko na hindi ako iyon—
pero bakit magkatugma tayo?

Gusto kong isipin na marahil isa nga akong tanga,
pero nabuhayan ako ng pag-asa nang hindi lang basta tugma, tama pa ang aking hinala.
Nababaliw na nga yata ako sa imahenasyon na mayroong tayo,
hayaan mo, sa ngayon ako muna ay lalayo sa iyo.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon