Tinititigan pa nga lang kita nakangiti na ako,
nag-post ka lang ng picture mo sa myday buo na ang araw ko.
Grabe namang paghanga 'to,
pati paghuhugas ng plato nakangiti ako.Sinisipag sa gawaing bahay dahil sa iyo,
crush Earth ka ba?
Kasi sa iyo lang umiikot ang mundo ko,
ano ba iyan parang tanga, tapos ako baliw sa iyo.Kiligin ka naman,
huwag kang kill joy 'di bagay sa'yo.
Crush, sabihin mo A, B, C, D, E dali,
tapos sasabihin ko H, I love you will you marry me.Corni ba mga banat ko,
kasalanan mo 'to kaya heto ako naulol sa iyo.
Pero crush ito tandaan mo,
kapag 'di mo ako crinushback, 'di pwedeng ako lang magdusa 'no.
Damay-damay na 'to.

BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PuisiThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!