Tinanggap ko na wala na tayo,
ilang taon na ang nakaraan pero heto ang puso, may parte pa rin na umaasa sa pagbalik mo.
Bakit ang hirap mong limutin?
Damang-dama ko pa rin iyong multo ng nakaraan natin.Naalala ko pa noong ginawan mo ako ng tula,
ako ang iyong paksa at pag-ibig ay iyong ipinadama.
Ngunit, pag-ibig mo pala sa akin ay parang bula,
akala ko perpekto noong una pero bigla na lang nawala.Ikaw ang inasahan kong nagiging dulo ko,
ngunit bakit ganoon, na sa isang iglap sinabi mo sa aking pag-ibig mo'y biglang nagbago.
Saan nga ba patungo itong landas na tinatahak ko?
Bakit kay dilim, hindi gaya noong nariyan ka pa ka sa piling ko.Sa pagtatagpo ng mundo natin,
naunawaan ko na hindi pala puro saya at ligaya ang mararanasan natin.
Minsan kinakailangan ko rin palang magparaya,
nasasaktan ka pa at nagtatanong kung saan nagkulang pero, binitawan kasi hindi na raw niya kaya.Nasaan iyong ikaw at ako,
bakit mayroon ng kayo nang malingat ako.
Ang hirap na ngayon ay abot mo na iyong pangarap mo kasama siya,
parang noon lang tayo ang bumuo no'ng dalawa.Ang daya ng mundo,
bakit kayo masaya habang ako'y hindi buo.
Akala ko na tayo hanggang sa dulo,
sinungaling ka, ginawa mo akong tanga sa pagmamahal mong tuso.Ilang oras, ilang araw, taon,
ala-ala kay sakit ay pinipilit ko pa ring binabaon.
Sana pala hindi na kita nakilala,
nang sa ganoon ay hindi na ako nasaktan at umaasa pa.Matagal na 'yon, sana tinanggap ko na lang,
marahil tama, ngunit ang daya mo, iniwan mo kasi ako na ganoon lang.
Sana makalimutan na kita,
balang araw, sasaya rin ako sa tamang tao na kayang pahalagahan ako ituring nang tama.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoesíaThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!