KAHIT KUNWARI

0 0 0
                                    

Hindi ko hiniling na sakalin ka,
nais ko lang na malaman iyong rason, handa naman akong bitawan ka.
Masakit man tanggapin na lumisan ka pa,
hindi bale na, mga salita ko ay wala nang magagawa pa.

Kalungkutan na siyang karamay ko,
hanap ka at inaasam na bumalik dito sa piling ko.
Matagal nang tapos tayo,
pero hindi pa ako tapos sa pagkuluksa sa'yo at sa mga masasayang ala-ala na binigay mo.

Kaylan kaya ako makaka-ahon,
may tiyansa pa kayang lumitaw ulit ang bangka na nalunod na sa lungkot at tagal ng panahon?
Tula na siyang karamay ko,
sakit ng pag-ibig ay sinulat ko.

O pag-ibig, kay tuso mo,
ginawa mo akong tanga at binigay sa maling tao.
Saklap naman ng naranasan ko,
kung maka-abandona siya sa akin ay parang hindi ako tao.

Heartstrings (Anthology Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon