Ch.02: Meeting
PAUWI NA kami sa hideout kasama ang mga nailigtas naming mga players sa kamay ng kalaban. Nasira ang gulong ng truck na 'yon kaya't wala kaming ibang choice kundi ang maglakad pabalik sa kuta.
"Ano? Naubos lahat ng mines na dinala nyo?"
"'Wag ka sa 'kin magalit, hindi naman ako ang nakaisip na gawin ang planong 'yon eh. Atsaka ang mas mahalaga ay tagumpay ang ambush operation namin kaya't marami kaming nailigtas na players ngayong araw. Siguradong darating na kami ryan ng kalahating oras."
Kausap ni Greenrebel ngayon ang isang boses ng babae sa kaniyang headphone. Actually, connected kami sa isa't-isa so we can hear or talk with each other just by using this device on our ears.
"Eh sino ba kasi ang gumawa ng bobong plano na 'yan, ha?"
"I did." kalmado kong sabat rito kaya't natawa si Wolf8 sa tabi ko na naglalakad. "Bakit, may angal ka ba? Field Operator?"
Saglit na natahimik ang babae sa linya at narinig na lang din namin ang pagtikhim nito bago muling nagsalita. "C-captain Senya. Ikaw pala 'yan. Akala ko po ba hindi mo gustong sumama sa operasyon na ito? Bakit yata biglang nagbago isip nyo?" Tila nag-iba ang tono nang pananalita ng babae sa linya, and she is talking directly with me.
"Nagbago isip ko sa mga huling sandali kaya nagpasya na lang akong sumama. Is it that bad na nandito ako?"
"Ah. No. Hindi po gano'n 'yon. Pasensya na Captain."
Field Operators. Also known as the Observers na nasa hideout lang namin laging nakatago, and their main functions are to guide and guard our perimeters within 10 kilometers at most with our hideout in its center point. Sila ang mata namin sa paligid at kapag nasa amin ang mga headphones o earpiece namin, they can track us within that wide range. Hangga't hindi kami nakakalayo ng lagpas sa sampung kilometro mula sa aming hideout, hindi kami maliligaw ng daan pabalik.
And of course this operators can see our IGN kung nasaan na ba kami sa loob ng perimeter range. Pero dahil sira ang ilan sa function ng satellite control, mukhang hindi nakikita ngayon ng Operator na nandito ako kasama nina Greenrebel. Almost a week na ang problemang 'to pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito naaayos ng technician namin dahil sa kakulangan ng kagamitan or even coins dahil gipit talaga kami.
Nilingon ko ang lagpas 20 players ding naisalba namin mula sa prison cargo na 'yon. Halata sa mga mukha nila ang literal na pagod at tamlay ng mga mata. Mukhang ilang araw din silang hindi na nakakakain mula nang mahuli sila ng mga Reapers.
"Kagaya nila, dumaan rin ako sa ganiyan kaya't ramdam ko ang hirap nila." sumabay si Astro sa paglalakad sa tabi ko kaya't napalingon naman ako sa kaniya. "Kung hindi mo siguro ako natagpuan noon sa gubat malamang namatay na ako ngayon dahil sa gutom. Kaya't salamat talaga."
"Maswerte ka lang no'n dahil hindi naubos ang tinapay ko bago kita nakita sa gubat. Kaya't hindi mo kailangang magpasalamat." binalik ko na sa harap ang tingin kaya't natawa naman si Astro.
"Ang suplado mo talaga, Captain. Kahit nga ako ang dami ring gustong ipasalamat sa 'yo." sabat naman ni Greenrebel na nasa bandang likuran ko nakasunod.
"Ako rin." sabat din ni Wolf8 kaya't napabuntong-hininga na lang din ako.
"Tumahimik nga kayo."
******
"Mabuti at nandito na kayo." Bati nang isang babaeng naka-ponytail ang mahabang itim nitong buhok. Nakasuot nang isang black jacket na may taas hanggang tuhod. Nakasuot ng white eyeglasses and just like us, may earpiece siyang suot-suot sa dalawang tenga and a small mic with it.
BINABASA MO ANG
In-Game Name [COMPLETED]
FantasyFirst time logging-in. He was being trapped inside the game with more than millions of players too. In order to get out they need to survive inside this game world for at least 2 years. They need to stay alive within that time from the monsters tryi...