Ch. 29: DIE

31 3 0
                                    

Ch. 29: DIE

Senya's point of view

ZONE CITY.

Syudad kung saan naka-sentro ang lahat ng kasakiman ng mga tao. Pero sa araw na ito, mababago ang takbo ng lahat sa sandaling mangyari ang inaasahan naming lahat. At 'yon, ay ang all-out assassination laban sa limang admins na ito.

Killing an NPC due to some personal issues won't be the natural issue here. We are humans, prone to emotional damages and tends to act in revenge whenever we are hurt or betrayed. Hindi lang NPC ang gusto naming patayin kundi lahat ng players na ginawang kapangyarihan para sa kasakiman ang katalinuhan para mailigtas ang mga sarili, 'di bale ng makasakit ng iba.

Pero sa araw na ito. Ituturing namin silang mga mangmang at ipapamukha ang pagkatalo, habang habambuhay na magsisisi sa hindi magandang pagpili ng kakampihan. We won't say na kami ang tama at sila ang mali rito. Let's just say instead na tama ang lahat ng grupo, pero magiging mali ang matatalo. Dahil ang tama lamang. Ang syang talagang pwede, at pwedeng mananalo.

The moment have arrived. Na pwede na naming pagbayarin ang mga nakautang sa amin. At walang sinuman. Ang makakapigil nito sa amin. When we happened to locate that underground village. And fought with the dark wolves, binigyan na kami ng last stand para sa mas malawak na daang pwede naming piliing tahakin. Ang lumaban pabalik gamit ang regalo ng kapangyarihan, o ang magtago sa kadiliman at kalimutan ang mga taong umagaw sa amin ng karangyaan at kasiyahan.

Hindi na kami pupuwedeng umatras.

Nang makapasok na kami sa mismong checkpoint sa gate ng syudad. Tiningnan ko ang aking mga kasamahan dito sa loob ng cargo. "Tandaan nyo ang plano. Palihim tayong kikilos sa loob. Walang dapat makaalam sa gagawin natin dahil sa sandaling tumunog ang alarm, sasara ang buong lagusan sa palasyo kung nasaan ang mga admins at hindi na tayo magkakaroon pa ng pagkakataong patayin sila sa mga sandaling 'yon. Lahat ng guwardiya ay mga designed button na dala-dala. Ibig sabihin, kahit isa kanila pwedeng magpabagsak sa plano natin sa sandaling may malaman silang kakaiba."

Tumango silang lahat na puno ng apoy ang mga matang nakatitig sa akin. "This will be our last mission, bilang ako ang captain nyo kaya't aasahan ko ang tagumpay ng lahat."

"Roger!"

The cargo we are in, stopped at the dark alley away. Tinulak ko ang metallic door sa likod at maingat na lumabas. The truck moved again towards the other side of the street habang ako'y iniba ang sariling anyo bilang isang dark guard na may makapal na bigote, isang peklat ng hiwa sa bibig at bob-cut ang uri ng buhok.

Hawak-hawak ng dalawang kamay ang mahabang armas habang maingat na nag-ruronda sa daan papuntang palasyo.

Maraming tao ang paligid. Puro paninda sa bawat gilid na sinasabayan ng mga tunog at dekorasyong sa bawat mga piyesta lang ng isang lugar nakikita.

This is a better time para maging isang diversion sa maaaring magaganap na gulo mamaya.

"What's the status, Wolf8?" bulong kong tanong.

"It's bad, captain. Hindi namin alam na may bagong checkpoint papasok ng security entrance. Nasa pila kami sa loob ng truck. They're checking everything before letting them pass. What should we do?"

Napabuntonghininga ako. "You have false identities with you kaya magtiwala na lang tayo kay Archie na hindi kayo mahahalata. Mauuna na ako sa loob. Ingat kayo."

"Roger."

"Magpie. Can you help me for now?" may pinakita akong ID sa dalawang guards bago makakapasok sa mismong palasyo.

They let me in without problem. Pero napapansin kong may kino-contact ito gamit ang headphone kaya't hindi talaga ako pupwedeng magpaka-kampante.

"That's my job. No need to ask for permission."

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon