Ch. 35: Process of Reinforcing

27 3 0
                                    

Ch. 35: Process of Reinforcing

Senya's point of view

MAINGAT ANG aking mga paa sa bawat ginagawa kong paghakbang. Mula rito sa kwartong pinasukan ko, dumaan ako't lumabas sa ibang pinto't nakarating sa isa ring pasilyo

Naglakad ako sa bandang kanan at nang lumiko ako sa corner, nakita ko ang nakatalikod na Supreme Assassin na ito hindi kalayuan sa akin.

Tumigil ako sa paghakbang at maingat na itinutok ang baril sa kanyang direksyon.

Subalit nang akin na sana itong ipuputok, "Smart. Captain Senya...but not clever enough." saad nitong nakatalikod pa rin sa akin. Natigilan ako saglit.

Hanggang sa barilin niya 'yong ilaw sa kisameng katapat niya't tunog ng pagtalsik ng mga bubog ang narinig kasabay ng pagkawala ng ilaw sa kanyang kinatatayuan.

I tried shooting numerous times towards the darkness, pero pakiramdam ko'y wala akong matamaan kahit kunti sa kanya.

Too late to open my night vision eyes, dahil wala na rin siya roon. How did that happen?

Hanggang sa bumukas ang isang pinto sa gilid ko't mula sa kadiliman ng loob, lumitaw ang bulusok ng tatlong kutsilyo patungo sa akin.

Mabilis ko itong inilagan at sinalag ng baril sabay nagpaputok subalit mas mabilis ang isa pang Supreme Assassin na itong nakalapit at naputol ang wrist ko kasama ang baril.

Sinundan pa ito ng ilang mabibilis na wasiwas sa aking leeg at katawan at napilit kong igalaw sa mas mabilis na paraan ang mga paa upang maiwasan ito habang tila nagsasayaw lang kami sa gitna ng pasilyo.

Hanggang sa natugma ang pagkakataon at saktong paikot kong nasipa siya sa kanyang mukha't kasing bilis ng kidlat itong tumalsik papalayo ng ilang metro.

Dinampot ko kaagad ang baril gamit ang isang kamay, ngunit nang itutok ko na ito sa kaniya, bigla naman nitong binato ng kutsilyo ang fluorescent bulb katapat niya sa kisame't nabasag na naman itong sabay nilamon ng kadiliman.

My night vision was activated again, but as expected, kasing bilis ng kalahating segundong lumipas ang pagkawala niya.

"Are you okay?"

"Where are they?"

"S-sorry. Hindi ko masundan. One second it's just there but at the same time wala rin. Naguguluhan ako. Pasensya ka na pero sa pagkakataong ito hindi kita pwedeng matulungan."

I heaved a sigh. Tapos ay tinutok ang baril sa aking likuran. Nakita ko 'yong isa sa Supreme Assassin na may hawak ng baril. Both hands clasping infront, a pistol in one hand, staring straight at me.

"Fine, then. I'll just do this myself." sabay suno-sunod akong nagpaputok habang umaabante sa kaniya subalit iniiwasan niya lamang ang mga ito na parang ilang daang beses itong mas mahina na bumubulusok sa kaniya.

"Is that all you've got, Captain Senya?" his mocking voice is just too irritating to hear.

"Don't call me like that." Sabay labas ko ng granada't hinagis ito sa kaniya.

His smirking face was the last sight I saw bago niya sirain ulit ng putok ng baril ang ilaw katapat niya sa kisame at nilamon muli ito ng kadiliman.

Sumabog ang bahagi ng pasilyong 'yon na nagpatalsik sa akin ng ilang metro na hindi nawawalan ng balanse sa katawan habang hinaharangan ng dalawang braso ang mukha.

Gumaling na ang putol na pala-pulsuhan ko kaya't mabilis ko ring itinutok ang baril sa likod at nagpaputok doon.

'Yong Knife Handler assassin na naman ang nakalaban ko't mabilis itong pinapatalsik ang mga balang pinapakawalan ko.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon