Ch.04: No Difference
Nancy's point of view
ALAS-DOS NA ng madaling araw, nagising ako dahil sa biglaan kong pagkauhaw. Kaya't bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at lumapit sa bandang maliit na mesa kung saan nakalagay ang isang basong may lamang tubig. Inalis ko ang takip no'n at tsaka iyon tinungga.
Kasabay nang muli kong paglapag ng baso sa mesa ay ang sunod-sunod din namang pagkatok mula sa pinto ng aking kwarto. Sino naman kaya 'to? Masyado pang maaga para sa mga reports. Kung emergency man ito, ano naman kayang maaaring problema?
"Ano ba 'yon?" nang mabuksan ko ang siwang nito, bumungad din kaagad sa akin ang mukha ni Julius. "Oh, Julius. Ano bang problema?"
"Ah kasi. Hindi naman ito dapat nagiging problema pero. Nasa labas ng base ang dalawa sa mga kasama natin." ulat nito sa akin kaya't napakunot-noo din ako.
"Sinong kasama ba ang tinutukoy mo, linawin mo nga?"
"'Yong bagong recruit po natin na isang substitute Operator, si Audrey. Lumabas po siya sa base." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit lumabas sa base ang babaeng 'yon?! Ano bang iniisip nya?
"Pero ayon sa radar, mukhang kasama naman niya si Captain Senya sa labas ngayon. Ang problema lang talaga. Ay kahit anong pilit namin, hindi sila nagreresponde sa bawat pag-contact namin sa kanila. Dahil do'n, hindi namin masabi kung makakaligtas pa ba sila o makakabalik dito ng buhay." yukong saad nito sa akin habang nakakuyom ang mga kamao.
"Ano bang sinasabi mo? Si Captain Senya ang bahala sa lahat kapag nasa field. Kapag nasa loob ng labanan ang Captain, wala na tayong dapat na ipag-alala." saad ko naman kaya't kaagad din niya akong inangatan ng tingin.
"Alam namin ang bagay na 'yon. Pero. Baka sa pagkakataong ito, tuluyang mapahamak ang Captain."
"Diretsuhin mo na kasi ako. 'Wag ka nang madaming daldal pa ryan!"
"Sa gubat, 100 meters mula sa current position ngayon ng dalawa na nakahinto na, may lagpas isandaang Reapers yata ang paparating. At nakapalibot ang mga ito sa posisyon ng Captain ngayon kaya't siguradong pati ang bahagi ng base entrance natin malamang may nakalapit na ring mga Reapers."
Sa sinabi niya muli akong nagulat. Hindi lamang ito isang simpleng panganib. Isa itong hudyat ng tiyak na kapahamakan. Isa itong emergency. O mas malala pa ro'n.
Kahit na naka-gown lang ako mabilis ko nang tinakbo ang OC at do'n nakita ko si Loid at ang iba pa. Kasalukuyan nila ngayong pinagmamasdan ang map radar sa isang monitor kung saan kitang-kita ang paligid ng aming kuta mula sa satellite view.
"Mukhang namataan na ng Captain na may kalaban sila." bulong ni Loid na hindi pa namamalayan ang presensya ko.
"'Yon pala ang dahilan kaya sila nakahinto ngayon. Ang bilis naman nilang maka-react kahit medyo malayo pa ang kalaban."
"Magaling talaga siya." muli ay nagsalita si Loid. "Sana nga lang pumanig pa rin sa kaniya ang panahon ngayon." 'Di niya maiwasang maidagdag mula sa kabang nararamdaman na pilit niyang itinatago sa iba.
"Ano na ang balita?" kaagad silang nagulat nang marinig at malaman ang pagpasok ko kahit na alam kong kanina ko pa sila pinagmamasdan.
"Nandito ka na pala." saad ni Loid
Lumagpas ako sa kaniya at umupo sa chair, inayos ang dapat na inayos para maka-konekta ang headphone ko sa earpiece ni Captain o kahit man lang kay Audrey."Balewala 'yan. Kanina pa namin sinusubukan pero hanggang ngayon hindi pa rin talaga gumagana." saad ni Loid kaya't napabuntong-hininga na lamang ako.
"Kainis." 'Di ko maiwasang maihampas ang palad sa mesa kung saan ang mga maraming control buttons.
BINABASA MO ANG
In-Game Name [COMPLETED]
FantasyFirst time logging-in. He was being trapped inside the game with more than millions of players too. In order to get out they need to survive inside this game world for at least 2 years. They need to stay alive within that time from the monsters tryi...