Ch. 32: The Day Before

25 4 0
                                    

Ch. 32: The Day Before

Senya's point of view

Current Date: The 724th day since the in-game imprisonment.

MAG-ISA akong naglalakad sa gubat.

Ako ang nagbabantay sa perimeter sa labas ng cave habang hinihintay na makabalik ang mga kasamahan kong kumuha ng mga supplies sa syudad.

Nang mapagod ako sa paglalakad, naupo ako sa isang malapad na bato, apat na metrong malayo sa bukana kung saan ang pasukan ng underground village.

Walang kahit anong maririnig na ingay sa paligid. Kakaiba rin dahil kahit simoy ng hangin ay hindi rin napapadaan sa aking gawi kanina pa kaya't medyo naiinitan ang aking pakiramdam.

Palubog na rin ang araw kaya't medyo nagbibigay na ng senyales ng pag-aalala ang dibdib ko't nagpakalinga-linga sa paligid. Iniisip kung saan na nga ba ang mga 'yon at kung bakit masyado silang natatagalan.

Halos kalahating araw na mula nang umalis sila kaya dapat nandito na sila sa mga oras na ito. Nakapagtataka.

Hanggang sa isang ungol ng tila mabangis na hayop ang aking narinig sa bandang kaliwa. Sinabayan pa ito ng kaluskusan kaya't nabaling ko agad ang tingin sa banda ro'n.

Masyadong liblib kaya hindi ko makita ng maayos kung may hayop o tao bang nandodoon.

"Tulong!"

Hanggang sa may marinig akong sigaw ng pagmamakaawa ng tila nag-aagaw buhay na boses at suno-sunod na putok ng baril.

Do'n na ako agad na napatayo't walang pagdadalawang-isip na tinakbo ang direksyong pinanggagalingan ng mga ingay na ito.

I ran as fast as I could, hanggang sa kamuntikan pa akong malaglag sa bangin kung hindi agad ako napahinto't napabuga ng hanging nanlalaki ang mga mata. The cliff was high enough para mabalian ka talaga kung sakaling mahulog ka man sa mabatong ibaba nito.

"Magpie? Can you see-" oh nevermind. Sinabi pala niya kanina na hindi siya makakatulong sa akin ngayon dahil may importanteng bagay siyang dapat gawin. It felt lonely though na wala siya ngayong araw. At dahil ibang-iba ang mundo naming dalawa, hindi naman pwedeng palaging umayon sa amin ang panahon at sitwasyon.

I'll just search whoever's the owner of that scream. At hindi nga ako nagkamali nang mapansin ko sa ibaba nitong bangin ang isang nakahigang lalaki sa mabatong lupa roon.

Nakikita ko ang duguan nitong ulo maski ang kanyang buong katawan. Did he fell from up here? If that's the case then!

Saktong may Lv. 50 Chimera naman ang biglang lumitaw mula sa masukal na pagkakatago nito mula sa likod ko't tila toro na tumakbo patungo sa akin ng sobrang bilis kasama ng nakakabingi nitong atungal.

Ngunit mas mabilis ko itong napaputukan ng tatlong sunod-sunod na putok at bagsak sa lupang duguan ang mismong bungo nito.

But to my surprise, may kasunod na tatlong katulad niya ang lumitaw din at sa pagkakataong ito'y na-tackle ako't nahulog sa bangin kasama ang mga ito.

The fall took almost 2 seconds or more. While midair nagawa kong mabutas ng bala ang mga bungo ng halimaw na ito't naramdaman ang pagkabagok ng aking batok sa isang sanga ng puno.

My body spinned along with my brain at napakalakas na pagbagsak ng mukha sa mabatong lupa ang sunod na aking naramdaman. My energy got drained instantly. Ramdam ko agad ang pag-agos ng dugo sa aking mga sugat lalo na sa aking ilong at bibig.

My consciousness almost left me kung hindi ko lang agad nakapa ang recovery pill sa bulsa't gamit ang natitirang lakas ay kinagat ko agad ito't nilunok.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon