Ch.03: Nightwalk

129 16 6
                                    

Ch.03: Nightwalk

"SIGURADO KA ba ryan sa binabalak mo? Minsan mo na ring isinumpa ang paligsahang 'yon, hindi ba? Dahil sa hindi patas na uri ng pakikipaglaban." tama si Loid, minsan ko nang kinamuhian ang paligsahang 'yon pero sa panahon ngayon, kailangan ko itong haraping muli para sa aming hangaring magtagumpay at mabuhay.

"Sa kalagitnaan ng labanan, nag-quit ka sa paligsahan dahil hindi mo na kinakaya ang nakikita mo. Sigurado ka bang itutuloy mo pa rin ito sa kabila no'n?" dagdag na tanong naman ni Nancy sa akin.

"Hindi ko lang nagustuhan ang rules na ibinigay ng mga admins sa paligsahang 'yon kaya ako nagpasyang umalis at kamuhian sila.

Hindi naman kasi makatarungan na ang mga kalahok na hindi kabilang sa District 1 perimeters na squadron ay hindi makakagamit ng mga baril o granada sa gitna ng laban maliban sa daggers o espada.

Kahit bow and arrow hindi rin nila hinayaang ipagamit sa mga squadrons na kalahok mula sa District 2 at 3. Sakop tayo ng District 3 kaya't imposible talagang pumabor sa atin ang paligsahang 'yon."

Dahil sa aking sinabi ay hindi rin naman kaagad nakaimik ni isa sa kanila na nandito sa kwartong ito. Hindi nila ako kayang kontrahin sa sinabi ko dahil 'yon ang totoo.

At ang mas mabigat na rason kung bakit sila sang-ayon sa aking reklamo ay dahil lima sa mga miyembro namin noon ang napatay dahil sa aming pagsali sa walang kwentang paligsahan na 'yon.

"Wala akong pakialam kung may sumama man sa akin sa paligsahan o wala. Alam ko ang takot meron sila dahil hindi biro ang papasukin naming laban 'pag nagkataon. Dahil gagawin ko ito nang mag-isa."

Isang malakas na hampas ng palad ang biglang umalingawngaw ngayon sa buong kwarto. Bahagyang nagulat si Julius at mabilis na nilingon ang taong gumawa ng ingay na 'yon.

"Nancy. Huminahon ka lang." tawag niya sa katabi kong tila nagpupuyos na sa galit habang nakayuko pero wala akong pakialam do'n.

"At aasa kabang basta ka na lang namin ipapadala mag-isa sa deathmatch na 'yon?" ramdam ko ang galit sa boses nito habang pansin ko rin ang napakatalim na titig niya sa akin kahit na hindi ko siya nililingon.

"Kung 'yon lang ang tanging paraan para wala ng kailangang magbuwis ng buhay, sa tingin ko 'yon na ang mas pinakamainam nating gawin sa ngayon." at sa pagkakataong ito'y nilingon ko sa gilid si Nancy at nagkatama ang aming mga tingin. "sariling plano ko ito kaya't hindi ko aasahan ang suporta o permiso nyo."

"Naririnig mo ba ngayon ang mga sinasabi mo?" saad pa nya sa akin. "nababaliw ka na ba talaga?"

Natapos ang mainit na usapang iyon na hindi pa rin pumayag si Nancy sa binabalak ko. 'Yong ibang nasa kwartong 'yon ay kahit gusto man nilang magsalita ayon sa kani-kanilang mga opinyon, binalaan kaagad sila ni Nancy na 'wag nang sumabat kung ang sasabihin lang daw nila ay para suportahan ang iminungkahi ko. And none of them dared to speak so it simply means umaayon sila sa plano ko, except Nancy who is strictly against the idea.

Pero dahil majority rules. Ako ang umangat at nanalo sa botohan nilang apat.

******


Isang sunod-sunod na mahinang katok naman ang aking narinig mula sa pinto ng kwarto ko. Kahit antok pa ay pinilit kong bumangon mula sa kama. Marahang pinagbuksan ng pinto ang taong umistorbo ngayon sa tulog ko.

"Captain Senya, pasensya na kung naistorbo ko kayo." hinging paumanhin naman ng isang babaeng bumungad na nasa tapat ngayon ng pinto ko. Her face is unfamiliar. Isa ba siya sa mga players na naisalba namin kaninang umaga? But her uniform is just like with us. Uniporme ng Reaperkiller squadron. New recruit yata sya.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon