Ch.08: First Stop
Senya's point of view
KINABUKASAN NO'N, maaga pa lang ay nagising na ako at nang makapaghanda na ay lumabas na rin ako ng kwarto.
Naabutan ko si Archie sa may isang pillar side na nakasandal, tila ba'y nagmumuni-muni ito ro'n. He did not even know na nasa likod na nya ako dahil tila ba'y may tinitingnan siya sa malayo na kung ano.
"Good morning."
"Anak ng!..." bigla itong halos mamatay sa kaba at mabilis akong nilingon ng tila gulat na gulat na mukha nya. "Captain, kayo pala." Tila kumalma naman muli ang boses nya at napabuntong-hininga habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko pa rito nang nakapamulsa.
"Oo. Kanina." sagot din naman nito at isinuksok yung isang especial na pocket knife sa kanyang bulsa. 'Yon ang bagay na kanina pa nya tinitingnan. "Umalis na po tayo. Kanina pa naghihintay sa 'tin ang makakasama natin sa paglalakbay." At nauna na syang naglakad.
Sumunod naman ako sa kanyang nakapamulsa pa rin. "Sa 'tin? Sasama ka sa paglalakbay na 'to, gano'n ba?"
"'Yon ang utos ng Operator kaya wala akong magagawa kundi sundin sya." sagot naman nya na tila nababagot. "Alam mo naman si Nancy, kapag may gusto sya, hindi mo talaga siya kayang salungatin. Nakakainis din minsan ang pagiging pala-utos nya."
Kahit ako. Sasang-ayon sa sinabi nya. Hindi biro ang ginagawa nyang pagpapakilos sa aming lahat, pero dahil din naman sa lakas at talino niya, nananatiling balanse ang lahat. Kahit sa misyon man o rito mismo sa loob ng base.
Narating namin ang bandang tunnel entrance at nadatnan dito ang magiging kasama namin sa paglalakbay tungong Fyujin city.
"Uy. Akala ko nagbibiro lang si Nancy pero totoo pala talagang sasama ka sa 'min, technician?" And the first member to the team is none other than Greenrebel.
"Kailan pa ba nagbiro ang babaeng 'yon? Basta't gusto nya gagawin nya." Sabat naman ni Astro habang chini-check ang M14 gun nito, at nakapaikot ang isang vest na may mga magazine na nakahanda at isang backpack.
Kapag may suot kang backpack obviously dadami ang slots sa inventory mo. At marami ka ring mailalagay na mahahalagang kakailanganin lalo na at may tournament kaming sasalihan.
"Masaya kami at sumama ka. Mr. Technician. Poprotektahan ka namin sa abot ng aming makakaya." Ngiting bati ni Wolf8 dito na may kasama pang pagyuko. He is as polite as always.
"Pwede ba. Archie na nga lang itawag nyo sa 'kin."
"Hindi. Mas maganda pakinggan ang technician kaysa sa Archie kaya 'wag nyo ng ibahin ang tawag sa kanya." biglang may babaeng nagsalita mula sa mga device sa tainga namin, and it was Nancy's voice, I'm sure of it.
"Hoy, Nancy. May problema ka ba sa 'kin, ha? Lumabas ka ryan sa OC ngayon din at magsuntukan tayo." napipikon na saad ni Archie sa mic ng headphone nya kaya't natatawa na lang ang tatlong kasama ko rito.
"Hindi magandang pumapatol sa babae. Masama 'yon technician." bigla rin namang dumating dito si Julius at nakangiti pa.
"Wala talagang nakikinig sa 'kin." Inis na bulong nalang din ni Archie kaya't natawa pa ulit 'yong tatlo sa may gilid.
Lumapit sa 'kin si Julius at may inabot sa 'kin na isang ring compass. "Sa kunting IGN identification data na nakuha namin mula sa avatar ng kapatid mo, ito ang makatutulong para madali mong matutunton sa lugar na 'yon si Erwin. Pero 'wag mo munang isuot 'yan ngayon. Dahil 30 minutes lang ang itatagal ng function nyan at automatically mawawala rin. Kahit tanggalin mo 'yan mula sa daliri mo hindi no'n mapapatigil ang expiration time kaya't gamitin mo ng tama." Tanging paalala nito sa akin.
BINABASA MO ANG
In-Game Name [COMPLETED]
FantasyFirst time logging-in. He was being trapped inside the game with more than millions of players too. In order to get out they need to survive inside this game world for at least 2 years. They need to stay alive within that time from the monsters tryi...