Ch. 18: Bullet Shooter

24 6 0
                                    

Ch. 18: Bullet Shooter

Senya's point of view

THE GAME continues. Tila wala pa rin namang nakakapansin sa ginagawa naming paglabag sa kanilang patakaran dahil hanggang ngayo'y nandito pa rin naman kami.

Normal na nangyayari ang mga laban and even though Erwin's group knew how we won the first game, tila wala man lang silang ginagawang hakbang para sabihin o ibuking ang ginawa namin sa lahat. I already left him with so many headaches at inaasahan ko nang may gagawin na sya ngayon para tuluyan akong mawala pero kagulat-gulat na hindi pa rin 'yon nangyayari ngayon.

After a couple of minutes. Ginanap ang laban ng RavenShooter laban naman sa GoldenSons.

"Ano bang tumatakbo sa utak ng taong 'yon?" di maiwasang mapatanong si Astro habang maingat kaming nanonood sa kanilang laban.

"I don't know how but, it seems like ayaw pa rin ng kapatid mong mawala ka hindi ba?" dagdag pa nya. "Sa unang tingin, maiisip mo talagang malaki ang pagkamuhing nararamdaman nya sa 'yo at hindi nya pinipigilan ang sariling ihayag 'yon sa lahat. Pero nakapagtatakang ligtas pa rin tayo ngayon."

Thinking of it as some sort of conclusion. May pinupunto naman talaga si Astro ro'n. But he doesn't know anything at all.

"I think you're just having some kind of a misunderstanding about how my brother usually acts."

Napalingon sya sa aking nakakunot noo. "What do you mean by that, captain?"

"My brother hates me. But he doesn't want to get rid of me. Ang gusto nya'y pahirapan ako at hindi tuluyang burahin sa mundong 'to." sabi ko't tiningnan kung paano nakalapit si Erwin sa likod no'ng sniper ng kalaban nila't pinaputukan ito ng baril. I smirked. "He's the most cruel brother you'll ever see. That is what I can fully guarantee you. He just wants me to suffer all my life thinking of how I neglected my comrades infront of crisis. Naisip ko na nga lang magpakamatay sa sobrang sama ng loob. But before I do that..." hinugot ko ang baril ko't saglit na natahimik. "...I still need to stay alive for my friends now. After that. I can finally die with satisfaction."

From the last bullet of Erwin's pistol, he shots the soil beside his enemy's head lying on the ground. Ito na lang ang natira sa kanila't walang nagawa kundi ang sumuko na lamang.

Nanalo ang RavenShooter dahilan upang mas malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa paligid.

"Maglalaro na ulit tayo." tumayo na ako't pinagmasdan ang buong audience corner. Hanggang sa nahinto ito sa isang bahagi kung saan espesyal na glass wall ang nakaharang na hindi kailanman nawawasak ng mga bala o pagsabog. Nasa loob no'n ang limang nakatalukbong na kalalakihan.

Prenteng nakaupo sa black chairs at may dark guards sa bawat gilid. Mas maingat sila ngayon kumpara no'ng huli ko silang regaluhan ng kamatayan. Too bad, I was stopped before I can even deliver it to them at simula no'n naging hundred times secured na ang mga ito.

"Anong plano, captain?" Greenrebel asked.

"The same with the first one. But this time, you will come inside with me." turo ko kay Astro na kanya namang ikinagulat.

"What's exactly the plan, captain? Pwede bang maging specific kayo?" tanong naman ni Wolf8.

Nilingon ko sya bago muling nagsalita. "You'll stay here, with your hidden sniper and assist us inside without getting caught. Remember. Nasa loob pati si Astro at dahil pangalawang beses nating gagawin 'to. Kailangan mong mas lalong mag-ingat kapag magpapaputok ka. Let's use our comms this time. But make sure no signals will leak around."

Tumango si Archie. "I'll do my best to maintain the signals between you and Wolf8."

"Good."

Maraming securities sa lugar na ito. Kaya't bihira lang talaga ang makakagamit ng comms sa isa't-isa. Pero kung kami-kami lang ni Wolf8 ang gagamit malamang mas mababantayan ito ni Archie ng mas maayos kaya't aasa kaming hindi nya kami pababayaan.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon