Ch. 33: Disheartening

23 4 0
                                    

Ch. 33: Disheartening

Senya's point of view

Deadline of Chaos: 27 hours left

NANG IWAN ako ni Erwin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad sa mga pasikot-sikot nitong lugar hanggang sa may matagpuan ulit akong pintuan.

Kumpara sa ibang pinto sa bawat gilid, ito ang pinaka-nakakaiba. Isa pa, kung papansinin ang ayos ng kwartong ito, ang silid sa loob ng pintong ito'y masasabing nasa pinaka-sentro ng buong floor. Ibig sabihin, ito ang lugar kung saan pinakamatibay ang seguridad sa lahat.

Malamang may ganito rin sa iba pang mga palapag kaya't nagpapasalamat ako sa tulong ng lahat dahil mas mapapadali lang ang paghahanap ko sa bawat target.

"We understand, captain." Boses iyon ni Astro. "Ipapaubaya na namin sa 'yo ang lahat."

"Astro, what? We can't just... Captain!" Greenrebel is still protesting. "Ikaw Wolf8, magsalita ka naman. Hahayaan mo na lang bang mangyari 'to?"

"We can't argue with the captain, Greenrebel. Hayaan na natin siya rito." sagot ni Wolf8. Halatang tanggap na rin niya ang desisyon ko't mukhang paalis na rin sila base sa mahihinang paghingal.

"Captain. What are..."

"It's my decision. Greenrebel. Please. Just for this time. Sumunod ka na lang." mahinahon ko sa kanyang sabi't narinig ang katahimikan bago napabuntonghininga si Greenrebel.

"This is too frustrating!" sabay tila na-disconnect ang linya mula kay Greenrebel kaya't tahimik ko na lang itong inintindi.

"Sorry about that, captain. We'll be leaving now. Be careful." ani Astro at pati sina Shald at Wolf8 ay nagbigay na rin ng pamamaalam sa akin.

Nang tumahimik na sila'y inintindi ko na lang ang sarili ko't pipihitin na sana ang pinto, nang may marinig akong mga yabag sa likuran.

Napalingon ako roon nang kalmadong mukha't napahigpit din ang hawak sa baril nang mapansing ang mga ito'y walang iba kundi ang mismong tatlong natitirang admins. Galante silang naglalakad sa pasilyo papalapit sa akin, habang kasama ang dalawa sa mga kalalakihan ding hindi kaaya-aya ang awrang dala-dala nila.

Maihahalintulad ang kanilang anyo sa mga reapers pero mas mukha silang tao at may kilos talaga na isang tao. Sa isang tingin lang, alam ko na kung sino ang mga ito.

Ang Three Supreme Assassins!

Pero sa nakikita ko, dalawa lang sila. Ibig sabihin, nasa loob lang ng building na ito ang isa. Sigurado akong 'yon 'yong dagger-user assassin. Kung gano'n, ito ang itsura ng dalawa pa sa mga supreme beings ng assassins. Nakaka-intrigang mapagmasdan sila ng malapitan.

To make myself unsuspected, ako na ang pumihit ng pinto't pumasok sa silid at niluwagan ang siwang doon. Walang imik na pumasok ang tatlong admins na dire-diretso lang ang tingin.

Pinagmasdan ko ng palihim ang silid at puno ito ng magagandang furnitures. Malawak din ang pagkaka-disenyo't pupwede kang manalamin sa sahig sa sobrang linis nito. Nakabukas ang lampara sa bawat side tables sa apat na single sofas na pinapalibutan ang isang pabilog na lamesa sa gitna, kung saan puno ito ng bote ng alak at mga piraso ng barahang nagkalat, maski sa sahig.

Bukod pa ro'n. May isa pang pintong papunta sa isang silid o pasilyo yata sa isang bahagi ng kwartong ito. Magkatapat lang sa pintuan kung nasaan ako ngayon.

Naupo ang mga admins sa malalambot na sofa roon. Napapansin ko ang apat na iba pang assassins sa may dilim na bahagi ng silid. Maiingat sa kilos at hindi ko man lang kaagad napansin kanina.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon