Ch.07: Former Comrade

83 9 11
                                    

Ch.07: Former Comrade

Senya's point of view

NANG MAKABALIK na kami sa kampo kaagad akong sinalubong nina Wolf8, Greenrebel, at Astro sa may entrance palang ng tunnel. "Ayos lang po ba kayo, Captain?" tanong sa akin ni Wolf8, mukhang nag-alala talaga sila ng husto base sa mga ekspresyon ng mga mukha nila.

"Ayos lang ako." sagot ko tsaka napansin ang kanilang mga suot. "Nagbalak na naman ba kayong lumabas para tumulong?"

"Ah. Opo eh." napabuntong-hininga na lang ako sa sinagot ni Greenrebel habang kakamot-kamot ito sa kanyang batok.

"Teka, nasaan na pala 'yong kasama mong babae?" saktong naitanong 'yon ni Astro nang bigla ring sumulpot 'yong babaeng 'yon sa tunnel sa aking bandang likuran, dahilan para mapunta ang aming mga tingin dito. Halatang narinig ng lahat ang usapan namin kanina ng babaeng ito, dahil nakakonekta ang kanyang headphone sa iba.

"So you are at fault here. Ki-bago-bago mo pa lang sakit sa ulo na kaagad ang dinala mo sa buong squad. Muntik nang mamatay si Captain sa ginawa mo!"

"Astro, that's enough." biglang inawat ni Nancy si Astro mula sa headphone nito bago pa niya masabihan ng mas masakit na salita ang newbie. Well, he already did though.

"Pero, Operator." nagpupumilit pa si Astro na pagsabihan ang babaeng katabi kong nakayuko na at hiyang-hiya sa kanyang sariling kasalanan.

"Go back to your posts." utos ko na lang din kaagad kay Astro na halatang mas natigilan din at napalingon sa akin.

"Pero, Captain."

"Ako na ang bahala. Ayos na ang lahat kaya bumalik na kayo sa assigned post nyo. Now." sa sinabi ko wala na rin naman silang nagawa kundi ang sundin ako.

Nang makaalis na ang tatlong ito mabilis namang naglabas ng isang buntong-hininga ang babaeng ito. "Pasensya na talaga."

Hindi ko na ito tinugunan at nag-patuloy sa paglalakad pabalik sa kung saan ang aking kwarto. Namalayan kong nakasunod pa rin sa akin ang babaeng ito pero hindi ko na ito pinansin pa. Nang nasa mismong pinto na ako ng kwarto, kaagad ko na rin itong binuksan at pumasok doon.

"Teka lang po, Captain."

Bigla nito akong tinawag na nasa likod ko pa rin kaya't saglit ko rin naman syang nilingon habang pinipigilan ng isang kamay na 'wag pang maisara ang pinto. "Ano ba 'yon? Kung may sasabihin ka sabihin mo na dahil kanina pa ako inaantok." hindi ko maiwasang maging suplado ng kunti ang boses ko.

"Gusto ko lang po sanang. . . kasi hindi pa tayo official na nagkakilala. Kaya." mabilis din naman nitong inilahad ang kanang palad sabay ngumiti. "Ako po pala si Audrey. Kinagagalak ko kayong makilala, Captain Senya."

Saglit akong natigilan sa ginawa't sinabi nya and we stared each other for a couple of seconds. Naka-extend pa rin ang kanyang braso asking for a shakehands. Alam ko namang hindi talaga pormal na hindi kayo magpakilala sa isa't-isa lalo na kung unang pagkikita nyo pa lang.

It's normal too, na tanggapin ang pakikipagkamay niya sa akin, pero imbes na gano'n ang mangyari, mabilis ko namang walang imik na sinarhan sya ng pinto leaving her outside completely speechless and unmoving, I'm sure of it.

Kapagod talaga.

******

Audrey's point of view

Hindi ko maintindihan.

Bakit hindi nya tinanggap ang pagpapakilala ko? Napatingin ako sa palad ko. Wala naman itong dumi o uling dahil sobrang linis naman nito. May mali kaya akong nasabi na ikinainis nya? O baka naman pagod lang talaga sya.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon