Ch. 17: Rule Breakers
Senya's point of view
THIS TOURNAMENT is already unfair by its rules. That's why in order to win in every situation, kailangang may improvised moves ka para magtagumpay sa kahit anong oras.
LexusGuard as our first opponent, sinimulan ang laban namin sa unang parte pa lang ng tournament. They want us to get eliminated as soon as possible dahil malamang iniisip nilang kami ang pinaka-mahinang grupo ngayon sa bracket list. Not to contradict with them. Opinyon nila 'yon. Nothing we can do about it.
"Are you really sure about this? I mean. Maganda naman ang plano pero baka ma-disqualified tayo kapag ginawa natin 'yon." Astro seemed stress after hearing about my plan. Maski ang iba'y hindi rin mukhang sigurado kung gagawin nga ba nila ang gano'ng bagay.
"The rules are, hindi tayo pwedeng gumamit ng firearms sa loob ng laban. Sa loob ng battlefield. It means kapag nakita kang gumagamit ng baril, disqualified tayo agad." paliwanag kong muli. "But what if hindi nila tayo makitang gumamit ng firearms?"
Do'n na sila natigilan. Para bang may ideya agad na pumasok sa kanilang utak dahilan upang tila ma-space-out sila ng bahagya tsaka napangiting nakatitig sa akin.
"No matter what the costs are. Hinding-hindi nila pwedeng makitang gagamit tayo ng baril sa labang ito." dagdag ko pa't sabay turo sa aking sarili. "I'll get inside the arena alone. And then the four of you will stay here. Keep Wolf8 hidden from all eyes around you habang nananatili kayo rito. Pretend you're all watching the fight na parang kinakabahan. Si Wolf8 na ang bahala hangga't natural nyo syang naitatago sa maraming tao. Nasa inyo ang susi kung paano nyo ako maililigtas sa loob ng arena."
"Okay." Wolf8 answered. Tumango ang iba kaya't tinapik ko si Wolf8 sa kanyang balikat.
Tinawag na kami para bumaba sa arena pero nagtaka ang lahat kung bakit ako lang ang pumasok sa battlefield. Walang kahit anong baril maliban sa sarili kong kutsilyong nasa aking baywang. To make sure, may mga dark guards pang sinuri ang buong katawan ko para lang makasigurong wala nga akong dala-dalang baril.
Maingay ang buong stadium habang mag-isa akong naglalakad sa arena. Samantalang anim na miyembro naman ng LexusGuard ang napansin kong kumikilos na rin para tapusin na ako.
Nagtago ako sa isang sirang bahay at pinakiramdaman ang paligid. Hindi rin nagtagal, nakita ko na ang isa sa kanila na paparating. Saktong napapadaan ito sa gilid nitong bahay nang buong lakas ko ring sinipa ang pader. Bumagsak ang buong sementong pader sa direksyon nya't hindi na ito nagawang magpaputok nang mailibing ito kasama ng kumpol ng nagkalasog-lasog na semento.
Sinigurado kong patay na ito bago ko pinitik ang sariling daliri't inagaw ang anyo ng kalaban ko bago sya tuluyang naglahong parang bula.
Sa pagkakataong ito, mukhang masasabi kong hindi pa nila nalamang patay na ang isa kanila. Not long after, napansin ko ang dalawa sa kanila na naglakakad din ng sabay. Malalakas na armas ang hawak nila't maingat sa bawat kilos na sinusuyod ang buong lugar. Walang makikitang blindspots sa kanilang ginagawang kilos kaya't medyo nagdalawang-isip akong lapitan sila agad-agad.
"Hey. What are you doing here?" nabigla ako nang mapansin ang boses ng isa pang lalaki mula sa likod. Oh fuck it!
Tumayo ako't mabilis na natural syang nilingon. "Ah ikaw pala. Ginulat mo naman ako." I nervously smiled bago nilingon ang paligid. I need to try acting normal para hindi ako agad mabisto.
Seryoso ang kanyang titig sa akin na medyo nagpakaba talaga sa akin sa loob-loob ko. "Di ba sinabi ni Captain na doon ka maghanap? Bakit bumalik ka?"
"Nakita ko sya." sagot ko na halatang nagpataka lalo sa ekspresyon nya.
BINABASA MO ANG
In-Game Name [COMPLETED]
FantasyFirst time logging-in. He was being trapped inside the game with more than millions of players too. In order to get out they need to survive inside this game world for at least 2 years. They need to stay alive within that time from the monsters tryi...