Ch. 15: Secret Encounter

32 4 0
                                    

Ch. 15: Secret Encounter

Senya's point of view

WE'RE BACK on the surface. Nasa isa kaming tagong Inn malapit sa arena na gaganapan ng paligsahan. Pinaliwanag ko ang orihinal naming plano ngunit dahil nandito na sa akin ang isang mahalagang bracelet na kaya kong gawing isang trump card, mas mapapabilis na ng kaunti ang lahat.

"Bakit yata pabor na pabor sa 'yo ang Demented na 'yon, captain? May nagawa ka ba sa kanya dati para gano'n sya kabait na ibigay na lang sa 'yo ang napakahalagang bagay na 'yan?" nagtataka si Astro na napatanong sa akin.

Nalingon ko itong napabuntonghininga. "Maski ako, walang ideya sa bagay na 'yon. Pero ang mahalaga, may mapagkakatiwalaan tayong tao na makakatulong sa atin ngayon."

"Be careful with your words, Senya." Erwin butted in. Nasa bintana lang sya nakaharap na nakatayong nakapamulsa. Sa kanya napunta ang aming tingin. "Demented may be your ally now, but tomorrow might end up different."

Humarap sya sa 'kin at diretso akong tinitigan ng kalmado nitong mukha. "Just like our situation now. Nasa iisang silid man tayong lahat pero 'wag na 'wag mong iisiping magpaka-kampante dahil hindi kita kailanman inisip na isang kakampi."

I folded my arms. "You sounded concern, by the way. Thanks, I guess?" I teased.

Natawa si Wolf8 sa isang tabi habang yakap-yakap ang kanyang folded sniper weapon na nakasandal sa pader.

"Nasa listahan na ang grupo nyo kaya pupwede na kayong makapaglaro bukas sa paligsahan nang hindi namomroblema." saad ulit ni Erwin at sumenyas sa kanyang mga kasamahang sumunod sa kanya palabas na ng kwarto. "Bayad na rin kayo kaya't kailangan nyo lang ang squadron authentification cards para officially isa na kayo sa mga kalahok do'n."

Nasa maliit na mesa ang apat na yellow cards nakalapag. Mukhang pinaghandaan talaga ito ni Erwin lahat. Naisip ko tuloy kung paano ko sya mababayaran ng lahat ng 'to. Oh, Who am I kidding? Malamang ginagawa nya lang itong lahat para makuha na nya agad ang baril nya't pati na rin ang sa akin.

Kaya alam kong sa kaloob-looban nya, sya pa rin ang panalo sa bandang huli. Kahit ang pagtulong nya sa 'min ngayon ay maliit na bagay lang talaga sa kanya. I already made the deal active and valid with my own words at hindi ako isang taong bumabawi ng pangako ng gano'n-gano'n lang.

Madilim na sa labas. Tahimik at iilang tao na lang ang naglalagalag. At marami sa kanila'y mga rumurondang dark guards sa bawat sulok ng eskinita't main roads. Punong-puno ang mga kabahayan ngayon ng mga tao.

Pasado ala-una na ng madaling araw at hindi pa rin ako tulog. Paikot-ikot lang ako sa kwartong ito habang palipat-lipat ng tingin sa bintana para mapagmasdan ang labas.

"Captain? Hindi ka pa rin tulog?" Natigil ako't nalingon si Wolf8. Bumabangon sya sa kanyang higaan habang pupungas-pungas.

"Hindi ka na ba matutulog?" Tanong ko sa kanya. Naguguluhan man ay napatango na lang din sya. "Mabuti. Bantayan mo ang mga kasama mo rito. Hintayin mo 'kong makabalik. Tumawag ka kaagad kapag may nangyari at 'wag mong ipagsasabi na umalis ako." bilin ko agad dito.

"Bakit po? Saan kayo pupunta?"

Mahina kong binuksan ang bintana't pumasok ang medyo malamig na hangin sa kwarto. Napayakap si Greenrebel kay Archie na katabi nya sa higaan dahil sa biglang paglamig ng paligid. Buti hindi sya nagising. Si Astro ay yakap-yakap ang kanyang baril habang walang kagalaw-galaw simula pa kanina.

Muli kong nilingon si Wolf8 at marahang hinawakan ito sa kanyang balikat. "Sandali lang ako. May mga kailangan lang akong gawing bagay bago tuluyang magliwanag."

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon