Ch.13: Demented
Senya's point of view
"Hmm. Hanggang kailan ba tayo maghihintay dito?" naiinip na sambit ni Greenrebel habang nakatingin dito sa main gate ng Zone city.
We are behind a tree trunk with at least more than 20 meters away. Kaya't kahit ang mga nagru-ronda sa paligid ay hindi kami kita.
Ang grupo ni Erwin ang nasa gate na ngayon at sinusubukang makipag-negosasyon sa isang guwardiya roon.
Hmm. I think hindi naman 'yon guwardiya. I mean he's a player, too. But it seems like, malakas ang koneksyon nila sa loob ng syudad, so Nancy was right to let us find Erwin para ito na ang gumawa para sa infitration trip namin.
This is too dangerous. Ako lang naman talaga ang kailangang mag-ingat dahil malamang, ako lang ang banned player sa Zone city.
"Archie, anong ginagawa mo?" tanong ni Wolf8 sa technician naming nakaupo sa tabi. May inaayos itong headphone. Dito pa talaga nya naisipang ituloy ang trabaho nya.
"I'm cooking."
"Eto naman! Palabiro!"
"He's coming back." Astro said so all of us went alert. And what he meant who's coming back is no other than Erwin.
Ako ang diretsong tinititigan nito. Nakasuksok ang dalawang kamay sa pantalon. He looked pissed, as always. And as he was about three meters away from me, may hinugot itong kung anong bagay sa kanang pantalon nya't inihagis sa aking direksyon.
Nasalo ko 'yon at nagtatakang pinagmasdan sa palad ang isang black armband. Kaya't napaangat agad kay Erwin ang tingin ko. "What is this?"
"Tsk." Halatang hindi nya gustong magpaliwanag o kahit man lang ang makaharap ako ng lagpas sampung segundo. "That's what seals looked like in this city, idiot." Maikling paliwanag at pang-iinsulto nito sa 'kin habang nasa gilid ang tingin.
Seals?
"Hmm." Mukhang naintriga si Archie na tinitigan ang nasa palad ko. Nakalapit na agad sya rito sa gilid ko. "Sa pagkakatanda ko. Dark armbands are supposed to be only worn by dark guards, Am I right?"
Hindi umimik si Erwin, but with that silence ramdam naming tama ang sinabi ni Archie.
"Dark Guards? What are those?" tanong ni Astro.
"Not 'what'. But 'who'. Players din kasi sila at iilan lang ang napagkakatiwalaan ng admins na magsuot ng gano'n para pagsilbihan sila."
Nang marinig ko ang salitang 'admins'. Biglang nalukot ko ang armband na 'yon kaya't kaagad akong sinita ni Erwin. "Just tie it around your arm already. Papasok na tayo."
And as he was about to turn and walk away, binato ko naman ito ng tanong. "Paano ako mapo-protektahan ng seal na 'to sa checkpoint ng main gate?"
"With that armband tied on you. Pwede mong kalimutan kung sino ka talaga. Your IGN and personal information will be confidential even sa checkpoint ng main gate na dadaanan natin. Maliban na lang kung ang mga admins mismo ang gagawa ng checking but I know they're all too busy to be concern about being vigilant with their royal dark guards."
Humakbang na ito ng dalawang beses nang tinanong ko itong muli.
"Kung alam mong malaki ang galit ko sa mga admins. Then why let me take a chance to go near them almost undetected like this?, royal dog ka rin ng Zone city, 'di ba?"
Sa pagkakataong ito, pumihit na ito pabalik at hinarap akong muli. "Pwede kitang ipahamak sa admins kung saka-sakali."
"You wouldn't do that. Senya. You're too weak to throw away your pride as a great captain of the ReaperKiller Squadron. Alam kong hindi ka gagawa ng gano'ng klase kahibangan . . ." naglakad ito papalapit hanggang sa iilang pulgada na lang ang mukha namin sa isa't-isa. " . . . kaya't kumilos ka na bago pa ako tuluyang mapuno sa 'yo."
BINABASA MO ANG
In-Game Name [COMPLETED]
FantasyFirst time logging-in. He was being trapped inside the game with more than millions of players too. In order to get out they need to survive inside this game world for at least 2 years. They need to stay alive within that time from the monsters tryi...