Ch.06: Confession

93 13 7
                                    

Ch.06: Confession

Senya's point of view

Sunod-sunod na pagsabog ang naganap dahil sa walang tigil na pagpapakawala ng mga rpg's sa magkabilaang direksiyon. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ang piliting 'wag madamay sa mga pagsabog na ito.

Napuno ng usok at apoy ang katawan nitong masukal na gubat na syang mas nagpapabigay liwanag sa buong paligid sa gitna ng madilim na gabi.

May natumbang isang puno ng kahoy na nasa bandang kanan ko habang tumatakbo, pero bago ito tuluyang makaharang agad sa aking dinadaanan mas binilisan ko ang kilos at patalong gumulong sa unahan kaya't saktong nakalagpas na ako sa kabilang bahagi nito bago ito maingay at dagundong na bumagsak sa lupang nasa likuran ko.

"Captain, ayos ka lang?" boses 'yon ni Loid mula sa earpiece.

"Oo ayos lang. Hindi ko lang talaga maiwasang mawalan ng 40% HP habang iniilagan ang mga pagsabog na ito." sagot ko rin naman sabay bahagyang hinawakan ang kanang braso kong hindi pa rin naghihilom ang malaking sugat mula sa mga debris na walang tigil na nagtatalsikan sa paligid.

Mabilis nanlaki ang aking mata nang bigla rin akong may naaninag na isang Reaper na inilabas ang kunting parte ng kanyang katawan mula sa pagkakatago sa isang katawan ng punong kahoy, walong metro ang distansya nito mula ngayon sa mismong harapan ko.

May mahabang baril itong dala at saktong nakatutok na sa akin. Shit! Mabilis nitong walang tigil na kinalabit ang gatilyo ng baril, kaya't mabibilis ding sunod-sunod na nagsisibulusukan ang mga bala nito tungo sa nag-iisang direksiyon na walang iba kundi sa akin.

Mabilis din naman akong pumagulong sa aking kanan kaya't nagsisidiretsahan lamang ang mga balang iyon sa puno sa 'king likuran. Tumatagos pa ng sobrang bibilis. May ilan din sa bala nito ay tumatama sa lupang sobrang lapit lang sa paa ko, kaya't mas binilisan ko pa ang kilos nang halos gumapang na sa dahil wala ring tigil ang pagdaan o pagdiretso ng ilan sa mga bala sa bandang uluhan ko.

Sinusundan ng barrel nya ang direksiyong tinatakbo ko habang hindi tumitigil sa pagpapaputok.

Ilang punong kahoy na rin ang nadadaanan ko at tumatagos, minsan naman ay nananatili sa punong ito ang mga bala sa taglay nitong tibay pero iilan lamang 'yon.

Hindi ako makahanap ng mas malaking puno na pwedeng pagtaguan hanggang sa may nakita rin ako sa bandang unahan, kaya't talon ko nang iginulong ang aking katawan do'n. Mas mabilis akong nakarating at nakasandal na nakatago.

Saktong natigil ang pagpapaputok nito kaya't saglit na natahimik ang paligid pero hindi ko 'yon basta na lang pinalampas. Mabilis kong paikot na inilabas nang nakaluhod ang isang tuhod sa lupa at hinarap do'n ang katawan.

Aim then shoot. Single shot lamang 'yon pero ramdam mo ang pwersa nitong dala kasabay kidlat sa bilis na bumulusok ang balang ito sa kalaban.

Pero namalayan man 'yon ng Reaper at kaagad na nakapagtagong muli sa katawan ng puno, hindi ko 'yon ikinabahala dahil lumagpas man ang bala sa gilid ng puno kung saan ito kaagad nagtago, dalawampung metro rin ang layo mula ngayon sa akin sa isang kunting siwang ng bushes diretsong tumama ang bala.

Isang scope lens 'yon ng isang sniper weapon nang isa pang Reaper na handa na sana akong paputukan pero naunahan ko sya.

Tumagos ang bala sa nabasag nitong scope lens na nakadikit naman ang kaniyang isang mata kaya't diretso ang tama no'n. Tumagos ang bala dahilan para umagos ang dugo sa mukha nito't kaagad patay na bumagsak.

And for the second time, ipinutok ko ang baril aiming the tree trunk kung saan tumagos din ang bala rito. Direktang tumama sa likod ng ulo no'ng Reaper na nagtatago ro'n ang bala dahilan ng kanyang bahagyang ikatalsik at bumagsak sa lupa't 'di kalauna'y namatay.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon