Ch.05: No Time To Complain

96 13 8
                                    

Ch.05: No Time To Complain

Senya's point of view

HALOS MAGSA-SAMPUNG minuto na ang lumipas matapos kong iwang nakatago ang babaeng 'yon sa puno.

Kung ang tanging alam lang niya ang tumakbo at tumakas, mas mabuting hindi siya sumama sa 'kin. Basta't hindi lamang siya gumawa ng ikakapahamak niya siguradong magiging ligtas din sya.

At para mas makasiguro pa, kailangan kong piliting lumayo sa lokasyon niya para mapasunod ang mga kalaban. Tumatakbo ako ngayon sa pagitan ng mga nagtataasang katawan ng puno.

Minabuti kong 'wag masyadong bilisan ang kilos para makahabol sila kahit papa'no at mapasunod sa direksiyong nais ko.

Hindi nagtagal, naramdaman ko na rin ang mga presensya nila. Mukhang halos hindi na rin sila nagiging malayo ngayon sa bandang likuran ko. Hindi rin lumagpas sa akin ang mga Reapers na papasalubong sa akin. Sa magkabilaang gilid ko meron din. Balak nila akong i-corner bago sila sabay-sabay na susugod para patayin ako.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nako-contact ang base. Masyado naman yata silang natatagalan. 'Di bale. Wala naman akong mairereklamo kahit ano pa man ang mangyari. Sa simula pa lang, lugi na talaga kami sa laban.

Kung aasa akong may reinforcement na darating mula sa base, malabong mangyari 'yon. Alam kong kahit anong mangyari, pipigilan ni Nancy na may makalabas ngayon sa kuta para lang tumulong at magbuwis ng buhay para sa amin.

Well. That decision was mine. Sa akin lang nya gagawin ang desisyong gano'n. Ibig sabihin, pwede sila o kaming maging reinforcement sa kakampi kung tagilid sila, pero ibang usapan na kapag ako naman ang nalagay sa alanganing sitwasyon.

'Yon ang nag-iisang utos ko para sa kanila. Dahil ayoko silang madamay sa gagawin ko.

Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay piliting mapalayo sa mga kasamahan ko tsaka ko gagawin ang bagay na 'yon.

"Captain. Captain Senya! Naririnig mo na ba ako?"

Naririnig ko na ang boses ni Nancy sa earpiece ko. Sa wakas naayos din ni Archie. Pero parang medyo mas natagalan siya ngayon kaysa no'ng dati.

"Naririnig ko na kayo. Mukhang medyo mabagal na yata ang electrician nyo. Sabihin nyo lagot siya sa 'kin mamaya." saad ko rito habang patuloy pa rin ang mabilis na pag-takbo.

Gulat na boses ni Archie ang narinig ko habang natatawa naman 'yong iba pa. "Lagot ka mamaya, Archie." saad ng isang boses do'n.

"Hindi ko naman kasalanan 'yon! May nasira sa isa sa mga kamagitan ko habang inaayos 'yon kaya ako natagalan!" palusot naman ng boses ni Archie habang tila kinakabahan talaga.

"Kalma ka lang. Alam mo namang nagbibiro lang si Captain, 'di ka na talaga nasanay." sabat naman ng boses ni Loid.

Huminto ako sa pag-takbo nang may maramdaman akong mabilis na paparating sa aking harapan.

Hindi normal ang bilis na 'yon kumpara sa karamihang Reapers ngayong papalapit sa akin.

"Captain!"

"Oo. Alam ko. Mabibilang mo ba silang lahat?" namalayan ni Nancy ang pag-kilos na 'yon kaya't kaagad niya akong inalerto pero nauna ko pa 'yong maramdaman bago pa niya mamalayan.

"Ayon sa nakikita ko, may apat na kalaban ngayong mabibilis na sumasalubong sa harapan mo. Ang bibilis nila, maihahalintulad ang mga ito sa Unmasked Reapers. Hindi pwede—"

Kasabay ng report nyang 'yon mabilis namang may tatlong daggers ang bumulusok mula sa dilim ng bushes na puntirya ang mismong mukha ko.

Ngayon wala ng duda. Unmasked Reapers ang mga ito! Kung minamalas ka nga naman talaga.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon