Ch. 16: The Day of the Tournament

34 4 0
                                    

Ch. 16: The Day of the Tournament

Senya's point of view

MAINGAY NA ulit ang kalsada. Hindi mabilang na tao ang paroon at parito habang napagmamasdan ko sila mula rito sa bintana ng Inn. Nakahalukipkip na nakatayo't tila malalim ang iniisip. I didn't even slept a single minute. Pero nakakaya ko pa namang 'wag bumagsak sa antok.

"Magsabi ka nga sa 'kin ng totoo," naramdaman ko ang paglapit ni Erwin sa aking gilid. Napalingon ako rito at nakikita ko ang galit nitong ekspresyon. "Lumabas ka ba kagabi?"

I jerked my shoulders up while shaking my head. "Why do you even care? Nandito lang ako nagbabantay buong gabi." sagot ko.

Napatiim-bagang itong tumalikod. "Alam mong hindi mo teritoryo ang lugar na 'to. Sa oras na mahuli ka nila,"

"Don't worry about me. Hindi mo naman kailangang bantayan ako lagi dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."

He glanced back. "Hindi ako nag-aalala sa 'yo. The moment you got caught, malamang magsususpetsya sila na may nagpapasok sa 'yo ritong konektado sa dark guards at malamang isa na ang squadron ko ro'n." lumapit sya't palapat na dinuro ang dibdib kong mas nilapit ang kanyang mukhang nagsalita, "Kaya't kung ayaw mong magka-problema tayo, sundin mo lang lahat ng utos ko at dadaan sa maayos ang misyon nang walang kahit anong aberya, maliwanag?"

Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon.

Sa pangalawang beses na pagtunog ng trumpetang maririnig sa buong city, 'yon na rin ang senyales ng lahat na malapit ng magsimula ang paligsahan sa Stadium.

Nauna ng lumabas sina Erwin bago kami sumunod ng apat ko pang kasama.

Nasa kalsada pa kami nang magpaalam si Wolf8 na may bibilhin lang ito sa tabi-tabi.

Nakikita namin sa medyo unahan ang grupo ni Erwin. Normal lang silang naglalakad. Hindi man tumitingin dito si Erwin alam kong may isa sa kasama nya ngayon ang nasa gilid-gilid lang na nagbabantay sa kilos namin. O sa akin lang.

"Saan ka ba talaga nagpunta kagabi?" tanong ni Astro nang pabulong.

"Did Wolf8 told you?"

"Nakita kita mismong lumabas."

"You're pretending to be asleep that time, huh."

"Hindi na 'yon ang isyu rito. Bakit ka ba kasi lumabas?" tanong pa nitong muli.

"I got inside the Stadium field." sagot ko na agad naman nilang ikinagulat.

"Napakadelikado po ng ginawa nyo, Captain! Paano kung napahamak kayo?" may pag-aalala sa boses ni Greenrebel.

"Bakit po kayo pumunta ro'n?" dugtong ni Astro.

"Just like as I deduced. May landmines pa rin ang battlefield. Kaya kinuha ko lang ang ilan sa mga ito at may ilan pang pakulo na ginawa bilang babala sa kanila na may kumakalaban pa rin sa kanila. Of course, hindi naman ako tanga para magpapahuli lang sa kanila. Thanks to Demented's opulence, the infiltration I did goes smoothly. Better than expected."

Archie sighed. "Hindi ka man lang ba natatakot sa kapatid mo? Alam mong kontrolado nya ang kilos mo ngayon dahil sya ang nagpapasok sa atin dito nang walang kahirap-hirap."

Nilingon ko sya. "I know. That's why he doesn't have to know anything."

"But he already knew. Pansin ko talaga, kilalang-kilala ka na ng Erwin na 'yon."

"Hindi nakapagdududang magkapatid nga talaga kayo." dagdag pa ni Astro.

Nakasabay na sa aming muli si Wolf8 at may hawak-hawak itong supot ng tinapay. Ngumiting kumuha ng isang piraso roon at inilahad sa akin. "Mukha po kayong nanghihina kaya naisip kong kailangan nyong kumain kahit kunti."

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon