Ch. 34: The Moving Maze

32 4 0
                                    

Ch. 34: The Moving Maze

Senya's point of view

ALL THOSE times, inisip kong normal NPCs ang mga ito. Inisip kong wala silang ibang gagawin kundi ang sumunod sa naka-programmed sa kanila at hindi darating sa puntong makikialam na sa mga squadrons na imposibleng gawin ng mga NPCs at makipagsabwatan pa sa mga players.

Pero heto.

I witnessed it myself.

Malinaw na sa akin ang lahat na talagang hindi normal na aksidente ang nangyari sa pagkamatay ng mga kasamahan ko, kundi dahil ito sa kasakiman ng mga admins na ito. Normal human behaviour, with monstrous hearts and ambitions, big-time psychopaths playing with their victims in the most high-scale ways possible.

Maybe that's why they created this game.

To attract billions of people and then they're own game of killing started. No wonder why they always torture, they always let their victims suffer before killing them. Hindi ko aakalaing hahantong sa ganito ang konklusiyon ko. Hindi ko alam kung matutuwa o magagalak ako dahil nalaman ko na ang lahat.

Hindi sila grupo ng mafia o big dark organization na ginagawang hostage ang bilyong tao pero hindi gano'n ang ginagawa nila. They kill without remorse. They let their victims know death and pain and lastly. They will go for the massive killing at the end of the two years circle. They never intended anyone to leave here.

But.

Their satisfactions are over. Sisiguraduhin kong tatalunin ko sila sa sarili nilang laro.

"Behind you!"

Kung hindi dahil sa malakas na sigaw ni Magpie baka natamaan na ako ng putok ng pistol no'ng Supreme Assassin sa vandang likod. Nakadapa ako't sabay pinaputukan din 'yong dalawang natitirang admins. But they're faster than I imagined, na iniiwasan ang mga bala ko't itinulak ang katawan sa isang sikretong pinto sa pader na malapit.

Nasara 'yon ulit bago pa sila matamaan ng mga bala. "Tsk."

Dalawa sa magkakaibang direksyon na assassins naman ang dahan-dahang umaabante habang nagpapaputok ng mga baril nila. Kaya't dumapa agad ako't inihagis ang granada sa direksyon no'ng mas marami sa kanila't inilayo ang katawan na pumagulong.

Sumabog ang granada't tumalsik ang napakaraming bitak ng mga bagay na nasira ng blast power nito. Umusok ang paligid at nabingi ako sa sobrang lakas ng tunog.

Lagpas kalahating parte ng silid ang nawasak dahil sa isang pagsabog na 'yon at dalawa sa normal assassins at ang Supreme Assassins lang din ang natitirang buhay sa mga ito.

Napahawak ito sa kanyang noo't maasim ang ekspresyong tumingin sa paligid habang pinapakiramdaman ang nabaling binti't ang malaking hiwa sa tagiliran at pagkahilo.

"Patayin niyo siya!" sigaw nito't sumandal sa pader.

'Yong dalawang assassins ay sumunod sa kanyang sinabi't sabay na muling nagpaputok ng mga baril sa akin. Subalit sinipa ko pabagsak ang lamesa sa gilid at  ginawa itong pangharang sa kanilang mga nagsisibulusok na mga bala.

Nang mag-reload sila naghagis naman ng flash grenade 'yong isa sa akin pero tumayo agad ako't sinampal ng mismong baril ang granadang 'yon pabalik sa kanila. Tinantiyang nasa kanilang harapan mismo ang granada nakalutang bago madalian itong pinatamaan ng bala ko't mabilis itong sumabog sabay iwas ko ng tingin.

Malakas na ilaw ang lumabas na nagpabulag sa kanila. Hindi ko na ito hinayaan pang makagalaw pa habang kusot-kusot ang mga mata't mabilis ding pinatumba ng aking mga bala.

Pero nang matingnan ko 'yong pader na sinasandalan no'ng Supreme Assassin, hindi ko na siya nakita roon.

Hanggang sa nanlaki ang mata ko't napaatras dahilan upang diretsong tumama ang espada nito sa semento't nagpabitak doon. Nagmula siya sa kisame kaya't patuloy ang atras kong pinaputukan ito ng mabilis.

In-Game Name [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon