Napaliit niya ang kanyang mga mata ng masilaw sa liwanag na nagmula sa araw ng umagang iyon, maaga pa noon kaya hindi pa masakit sa balat ng init noon, pinatingkad ng sikat ng araw ang puti ng kanyang balat at puting polong uniporme. Tumakip din sa kanyang paningin ang mahahabang itim na pilik mata na dahilan ng paglabo ng nakikita. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa strap ng knapsack niya. Napatungo siya at tumingin nalang sa tinatapakan, sementado ang daang iyon na hindi nagagawang pakinabangan ng mga nagsisiksikang sasakyan sa siyudad. Dito kung saan huni ng ibon at hampas ng hangin ang ingay na kumakanta sa kanyang tainga.
Tiningala na niya ang kanyang ulo nang makasilong na siya sa waiting shed ng bus. Walang bakal na upuan iyon na maaari niyang upuan habang nag aabang. Napatingin siya sa mga nakasulat sa pader na mga salita.
I love you Mark, Love Joey
Hindi siya natawa sa nabasa, napatitig siya doon kasunod ang maraming tanong. Posible ba na magkagusto siya sa kapwa lalaki? Posible bang isa sa mga kaklase niya ay magustuhan niya? Paano nasabi ng Mark at Joey na iyan na mahal nila ang isa't isa. Kaya siguro nasabi ng mga matatanda na mahiwaga ang pag ibig, maaaring isa iyon sa isang rason. Magmamahal ka sa taong di mo inakala, sa taong iniiwasan mo, at sa taong kaparehas mo ng kasarian.
Paano at bakit ka magmamahal ng katulad mo ng kasarian? Masasabi niyang isang beses ay humanga siya sa isang lalaki, pero pag ibig ba iyon samantalang bata pa siya noon. Ang alam niya lang noon ay masaya siya habang pinapanood ito mula sa malayo. Hindi rin naman niya naranasan ang humanga sa isang babae. Napaisip siya, posible kayang di babae ang gusto niya. Huminga siya ng malalim sa tila pagkabila sa naisip niya.
"Imposible" nasabi niya sa sarili. Labing anim na taong gulang palang naman siya, marami pa siyang posibleng matutunan at makapagpapaintindi sa kanya kung ano ang pag ibig sa lalaki man o sa babae.
Huling linggo na niya sa klase bilang Grade 9, malungkot man na malalayo na siya sa mga kaibigan ay sadyang parte iyon ng kanilang journey.
Natanaw na niya ang paparating na bus sa di kalayuan, kaya lumabas na siya sa pagkakasilong sa shed at pumunta sa gilid ng kalsada upang makasakay siya agad.
"Sam!!!" tawag mula sa likuran niya na agad niyang nilingon
Humahangos si Danny na palapit sa kanya. Kanyang nakakatandang kapatid, mas maliit ito ng kaunti sa kanya. Payat din ito katulad niya. Naka tshirt lang ito at nakapajama na nakatsinelas lang.
"Kuya Danny" sambit ni Sam puno siya ng pagtataka dahil nang umalis siya kanina ay tulog na tulog ito.
Humihingal pa si Danny nang makalapit sa kanya, kasunod ang pag abot sa isang eco bag "Naiwan mo ang baon mo"
Agad niyang kinuha ito "Kuya di ka na dapat nag abala pa, may pagkain naman sa canteen eh"
"Ikaw ha nasasanay ka nang hindi ako gisingin. Kaya ko naman magluto kahit puyat ako" tampo nito
"Kuya hindi mo naman kailangang alagaan pa ako binata na ako" natatawa niyang sabi
Hinampas ni Danny siya sa noo "Kuya!" takip ni Sam sa nasaktan na noo
"Mas matangkad ka lang sakin nang kaunti pero baby pa rin kita" nakangiti nitong sabi
Wala na siyang naisagot kundi isang matamis na ngiti.
Isang malakas na hangin ang humampas sa kanila, sabay silang napalingon sa pinanggalingan noon at nakita nila ang lumampas ng bus.
"Kuya mauuna na ako" naiabot muli ni Sam ang ecobag kay Danny sa pagmamadaling pagtakbo
"Parang may mali" na sabi ni Danny dahil tingin niya hindi na niya dapat hawak muli ang eco bag. "Naku ang baon niya. Sam!" muling habol niya pa
Hawak na ni Sam ang eco bag na pinaglalagyan nang baon na hinanda nang nakatatandang kapatid. Pareho silang nagtataka.
Napakamot ng ulo si Danny "Kasalanan ko ba na naiwan ka ng bus?" natatawang sabi nito
Ngumiti si Sam "Uwi na lang tayo. Tamang tama wala pa akong almusal"
"Sam, sorry hindi ko naman akalaing iiwan ka nang bus na iyon. Dapat hindi ka na bumaba nang humabol ako"
"Mas mahalaga ka sakin kaysa sa school"
"Sus binola pa ako"
"Halika nga dito" inakbayan niya si Danny at nagsimulang silang maglakad pauwi
"May exam ba kayo?"
"Okay lang iyon. Ang mahalaga magkasama tayo"
"Saan mo ba natutunan mo yang mga pakilig na salita mo, kinikilig po ako eh"
Sabay silang nagtawanan.
"May naisip ako, ihahatid nalang kita" sabi ni Danny
Napahinto sila sa paglalakad, natanggal ni Sam ang braso niya sa balikat nang kuya.
"Ihahatid kita gamit ang bike ko" suwestiyon ni Danny
"Kuya parang imposible ata yan. Napakalayo nang school dito"
"Walang imposible basta't magkasama tayong dalawa"
Nawala ang ngiti ni Sam sa sinabi ni Danny.
"Anong mali sa sinabi ko?" taka ni Danny sa malungkot na muka ng ni Sam
"Wala, may naisip lang ako" pilit na ngumiti si Sam upang di na mag alaala ang kapatid
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...