NAIWAN sina Sam at Travis sa table. Sila Justin naman ay naupo sa isang lamesa doon upang kumain.
Nagseserve din ng food at drinks ang bilyaran kaya di na lumabas ang dalawa.
“Bakit nakasimangot si Travis” tanaw ni Justin kay Travis habang inaantay nila ang inorder nilang burger at fries
Kay Sam napako ang tingin ni John. Abala ito na nakikipag usap kay Travis.
“May nangyari ba bago kami dumating?”
Tumingin si John kay Justin. “Nagkiss na ba kayo ni Travis”
Napanganga si Justin
“Oo o hindi”
“Paanong_”
“May dapat ba akong malaman. Gusto mo si Travis pero pumapayag kang landiin siya ni Sam”
“Mahal ko siya eh ano. Masaya naman siya kay Sam kaya masaya na ako”
Sumandal si John sa upuan sa kawalang pag asa “Hindi ka ba gagawa ng paraan para makuha siya. Bakit mo siya hinalikan, bakit pumayag si Sam?”
“Nagshashare kami sa lahat ng bagay kaya natural lang iyon” dahilan pa ni Justin
“Ganun ba iyon. Bakit di niya ako shinare sayo”
“Bakit ka naman niya ishashare?”
“Wala kaming relasyon pero nagkikiss kami sa dorm”
Naitakip ni Justin ang dalawang kamay niya sa bibig
“Di niya ba ako naikwento sayo”
“Si Kyle lang ang sinabi niyang minahal niya. Kung totoo iyang sinasabi mo bakit kailangan maglihim ni Sam sakin”
“Ewan ko. Pero tapos na naman iyon. Kumain na lang siguro tayo at uminom”
“Uminom?”
“Di ka ba umiinom?”
“16 palang tayo”
“Di rin naman ako umiinom pero dahil may ID ako makakainom tayo. Try natin, ganyan ginagawa ng mga broken hearted sa palabas hindi ba”
Natawa si Justin “So broken ka”
“Hindi. Para sayo iyan kasi alam ko nagseselos ka sa kanila” turo pa ni John kina Sam na naglalaro ng billiard
“Tiwala ako kay Sam”
“Tiwala saan?”
“Basta. Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Sam”
Umiling si John “Gusto ko siya noon pero nakamove on na ako”
“Ang kapal mo, kung makatanong ka kanina sakin. Kaya pala panay ang tingin mo sa kanya noong nagpunta tayo sa amusement park”
Dumating na ng order nila at beer
“Di ba pwedeng curious lang ako sa ginagawa niyo kay Travis”
“Kapag nalasing ako at di ako nakauwi lagot ka mga kuya ko”
“Wag kang mag alala inuuwi kita sa dorm ko”
“Di magandang ideya yan. Marami nang nabuntis sa ganyan”
“Wala ka namang matress kung may mangyari man di mo na maalala iyon kapag nagising tayo” natatawang sabi ni John
Napahalakhak si Justin “Kakaganyan mo nagugustuhan na kita”
“Sasaluhin naman kita kapag nagkagusto ka sakin”
Niyaya ni Travis si Sam na sa labas sila kumain, iniwan nila ang dalawa.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...