PART 19

58 4 1
                                    

Maagang pumunta si Sam sa Apartment ni Danny, nakabihis na ito para pumasok sa eskwela ng madatnan niya ito, sinalubong siya ng nakatatandang kapatid ng mahigpit na yakap.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Danny nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap

Nakangiti siyang tumango “Tapos na”

“Maupo ka muna at ipagtitimpla kita ng gatas” hila ni Danny sa braso ng kapatid papunta sa sofa

“Naggatas na ako kanina, ipinagtimpla ako ni Kuya Kevin”

“Ganun ba, edi maupo na lang tayo”

Pareho silang naupo sa sofa. Hawak hawak ni Danny ang kamay niya.

“Pumunta lang ako dito para sana malaman kung naiwan ko ang cellphone ko”

“Ay oo” bumitiw si Danny sa pagkakahawak sa kamay ng kapatid at dumukot sa bulsa “Eto” abot nito sa cellphone

“Mabuti naman, akala ko nawala ko”

Nang nahawakan na niya ito agad niyang binuksan ang messages. Napatingin siya kay Danny nang makita niyang naread na ang maraming messages ng ama.

Dad: anak pumunta ka sa bahay

Dad: ipagdiriwang natin ang kaarawan ng kapatid mo

Dad: nasaan ka na? Ipinagluto din kita ng pagkaing gusto mo

Dad: text back please

Dad: nasa apartment ka ba ni Danny?

Dad: pupuntahan nalang kita nasaan ka?

Sagot: hindi na po kailangan, nasa bahay po ako ng kaklase ko di po ako makakapunta

Tinignan niya mg masama ang kapatid.

“Binasa mo? Pero bakit di mo sinabi sakin”

“Late na nang mabasa ko iyan” palusot pa nito

Tumayo si Sam at lumayo sa kapatid

“Nagsisinungaling ka! Nagreply ka kay Dad ng 1 pm ng hapon, ibig sabihin ba niyon dala dala mo iyan hanggang sa school” pagtataas niya ng boses


Tumayo din si Danny “Ibabalik ko naman dapat sayo yan. Ang dami na kasing messages ng Dad mo. Para di siya mag alala nagreply ako, naisip kong ganyan din ang irereply mo sa kanya”

Napapailing si Sam sa katwiran nito

“Pamilya ko sila, tingin mo ganun ang sasabihin ko” garalgal ang boses niya

“I’m sorry”

“Anong klaseng kapatid ako hindi ko man lang naalala ang kaarawan niya” mangiyak ngiyak niyang sabi “Ang sama ko” angal nga

Lumapit si Danny sa kanya at balak sana siyang yakapin ngunit umatras siya. Basa ang kanyang mga pisngi at namumugto ang kanyang mga mata, tinignan niya ng masama ang kapatid.

“Dahil sa ginawa mo hindi ko alam kung dapat pagkatiwalaan pa kita. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo ang loob ko sa kanila. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako mapatawad ni Kuya David” diin niya

Tumulo ang mga luha ni Danny “Patawarin mo ako. Nagawa ko lang iyon kasi natatakot akong baka piliin mo siya kaysa sakin”

Ikinuskos ni Sam ang basang mata sa polo niya, at nang mapunasan na ay binigyan niya ng masamang tingin ang kapatid.

“Hindi na kilala! Nakakapagod na”

“Sam, No” hagulgol ni Danny

“Huwag ka nang lalapit sakin kahit kailan” matigas niyang sabi “Pabayaan mo na ako”

Lumuhod si Danny “Please Sam”

Hindi na sumagot si Sam bagkus umalis na lang siya bitbit ang cellphone. Bumuhos ang luha ni Sam nang makalabas siya sa apartment, ayaw man niyang saktan ang kapatid ngunit hindi na tama ang ginagawa nito.

<120403>

Dumeretso si Sam sa bahay nila ngunit sarado ang bahay, maaaring umalis na ang ama at nakapasok na si David. Agad siyang pumunta sa eskwelahan kung saan niya maaaring makita si David.

Wala siyang numero nito kaya hindi niya rin matawagan ito. Pumunta siya sa classroom nito, maging sa vocal club ngunit wala ito. Maaga pa naman noon kaya maaaring nasa canteen ito or sa likod ng building. At hindi siya nagkamali natagpuan niya itong nakasalampak sa semento sa likod ng building, nakatingala ito at tila malalim ang iniisip. Agad siyang lumapit dito.

Tumingin ito sa kanya, tumayo ito, pinagpagan nito ang puwetan. “Anong ginagawa mo dito” nakasimangot na tanong nito

Nagsimulang tumulo muli ang mga luha ni Sam.

“Ha..happy Birthday”

Ngumisi si David. “Si Kyle ba nagsabi sayo niyan?”

Umiling si Sam “Hindi”

“So naalala mo?”

Napayuko nalang si Sam ay humikbi. “I’m sorry”

Naningkit ang mga mata ni David “Tingin mo ba inaasahan kong maaalala mo ang kaarawan ko. Batiin mo man ako o hindi wala akong pakialam” sigaw ni David


Tumutulo ang luha ni Sam habang nakatingin sa kapatid at pinakikinggan ang sinasabi nito.

“Noong una palang sinabi ko na sayong layuan mo ako” humigpit ang kamao ni David “Tapos ngayon haharapin mo ako ng ganyan itsura mo na para bang may nagawa na naman ako sayo” iritang sabi niya

“Patawarin mo ako kuya”

“Lahat nalang gusto mong agawin sakin. Nauna mo na ngang kinuha si mama, tapos si Dad.
At ngayon pati bestfriend ko. Siya nalang nag iisang nakakaintindi sakin, hindi ba pwedeng layuan mo na lang siya para sakin”

“Hindi ko magagawa iyon” mabilis ni Sam na sagot

“Gusto kong gawin mo. Ayoko nang makita ka pang muli sa vocal club. Umalis ka na sa buhay ko please”

Nadurog ang puso ni Sam sa mga salita ng kapatid sa kanya.

“Si Kyle nalang ang hinihiling ko sayo, wala ka nang maririnig sa masakit na salita sakin kapag pinagbigyan mo ako”

Napayuko nalang si Sam at napahagulgol. Inilihis ni David ang tingin niya sa kapatid dahil habang umiiyak ito sa harap niya ay nakararamdam siya ng sakit sa dibdib.

“Please Go!” mahinahong sabi ni David na hindi nakatingin sa kapatid.

Sinunod ni Sam ang kapatid at umalis ngunit ang pag iyak niya ay nanatili.

<120403>

Napasalampak sa semento si David, isinubsob niya ang kanyang muka sa mga tuhod niya at ikinulong ang umiiyak niyang boses.

Napahinto siya sa pag iyak, napatunghay siya sa pagkakayuko ng may narinig siyang tunog ng sapatos na papalapit sa kanya. Nakita si Jun, mabilis na umupo si Jun sa harap niya nang makita nito ang basang muka niya at namumugtong mata.

“Bakit ka umiiyak?”

Itinulak niya si Jun, napasalampak ito sa semento dahil sa ginawa niya. Tumayo siya. Pinunasan niya ang kanyang muka.

Tumayo din si Jun

“Pabayaan mo na ako” sabi niya

“David, alam kong galit ka sa nagawa ko, ngunit nagawa ko lang iyon kasi mahal kita”

Napatitig si David sa mga mata ng kaharap. Sinusuri niya kung seryoso ba ito.

“So what. I don’t care” matigas niyang sabi

“Alam kong hindi mo ako magugustuhan. Natakot akong maunahan ako ng secret admirer mo kaya_”

“Stop it” putol niya kay Jun “Wala na akong pakialam kung anong paliwanag mo, ang gusto ko layuan mo ako”

“David” pag aalalang tugon nito

“Kung iiwan mo rin ako sa huli katulad ni Shone, wag ka nalang pumasok sa buhay ko. Lahat nalang kinukuha ni Danny sakin, ayokong makita nalang isang araw pati ikaw mawala dahil sa kanya”

“Danny?” taka nito

“Just leave me alone. Kung mahal mo ako pabayaan mo na ako”

“Dahil ba hindi mo ako gusto kaya ipinagtatabuyan mo ako”

“Gusto kita o hindi walang magbabago, gusto kong layuan mo ako”

Huminga ng malalim si Jun, pinipigil niya ang namumuong luha sa kanyang mga mata upang hindi ito tumulo.

“Kahit ano gagawin ko para sayo David. Gustong patunayan sayong mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwan”

Isinuklay ni David ang kanyang mga daliri sa buhok niya “Hindi na ako naniniwala sa pangako”

“David bigyan mo ako ng chance”

“Okay, kung yan ang gusto mo bibigyan kita ng chance”

Ngumiti si Jun sa magandang sinabi nito

“Kapag nagawa mong alisin si Danny sa landas ko, bibigyan kita ng chance” matapang niyang sabi

Napanganga si Jun

Ngumisi si David “See. You can’t do it”

“Gusto mong patayin ko siya” namimilog ang kanyang mga mata

Hinaplos ni David ang pisngi nito “Ikaw ang bahala” humakbang palapit si David at idinampi ang labi sa labi ni Jun, walang naging tugon si Jun dahil sa ideyang ibinigay ni David siya nakatuon.

Hindi nagtagal ang halik na iyon, umalis na si David pagkatapos noon. Naiwang tulala si Jun na nakatayo doon.

Ang gusto lang ni David ay ang mapag isa, alam niyang kukulitin parin siya ni Jun kung ipagtatabuyan niya lang ito. Alam naman niyang hindi naman ganun kasama ito para sundin siya.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon