Sa bahay ni David umuwi si Kyle pagkatapos nang pakikipaghiwalay ni Jaden, wala siyang lakas nang loob na kausapin ito tungkol doon. Naguguluhan din siya kung ano ang sasabihin niya kay Jaden pero masakit sa kanya na wala nang sila.
Tahimik lang siyang nakaupo sa kama ni David, kakapasok lang ni David sa silid na may dalang tray na may dalawang basong juice at dalawang platong spaghetti. Inilapag ni David iyon sa study table niya, napansin niya ang malungkot na muka ng kaibigan na kanina pa hindi nagsasalita mula ng makarating sila sa bahay.
Umupo si David sa tabi nito.
“May problema ka bang gustong sabihin sakin?”
Tumingin si Kyle sa kaibigan “Wala na kami ni Jaden”
“Paano nangyari iyon. May iba na ba siya”
Umiling si Kyle “Kasalanan ko”
“Anong ginawa mo?”
Yumuko si Kyle
“May iba ka na ba?”
“Ewan ko. Hindi ko alam”
“Paanong hindi mo alam. Parehas kayo ni Shone ang daming paligoy ligoy, ayaw mo nalang akong diretsahing hindi mo na siya mahal”
Napatunghay si Kyle “Mahal ko si Jaden. Ayoko siyang mawala sakin kaso ayoko din mawala si..”
“So mayroon ngang iba”
“Hindi ko alam kung maiintindihan mo pero kasi”
“Kasi ano? diretsahin mo ako para namang iba ako sayo”
Nakatitig lang si Kyle sa nag aantay na kaibigan, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag sinabi nitong si Sam ang dahilan.
Humiga si David sa kama sa inip sa kaibigan “Bahala ka kung ayaw mong sabihin” pagtatampo pa nito “Gusto mo ba maglaro nalang tayo ng game” nakangiti pa nitong sabi habang nakatingin sa kaibigan.
“Si Sam ang dahilan” biglang sabi ni Kyle
Nawala ang ngiti ni David, bumangon ito sa pagkakahiga.
“Anong sabi mo” seryosong tanong ni David
Lumunok muna si Kyle bago sumagot dahil na rin sa takot sa naging reaksyon ng kaibigan.
“Hindi ko maipaliwanag pero masaya akong kasama siya”
“Kaya ba siya nasa dorm niyo dahil sayo?”
Mabilis na umiling si Kyle “Hindi. Si Shone ang nagsama sa kanya doon”
“Alam ba niyang kayo ni Jaden?”
“Natatakot akong magalit siya sakin” mangiyak ngiyak na sabi ni Kyle
“At umaasa kang dadamayan kita sa problema mo kung kapatid ko ang pinaglalaruan mo” nanggagalaiting sabi ni David
“Hindi ko siya pinaglalaruan, gusto niya ako, siya ang nagpupumilit sakin”
“Pipiliin mo ba siya?”
“Hindi ko alam”
“Bwisit!” sigaw ni David, tumayo ito “Anong karapatan mo para saktan siya. Alam mo kung ano ang sitwasyon namin tapos ngayon ikaw din sasaktan siya” pagtataas ng boses ni David
“Naguguluhan ako. Wag ka naman sanang magalit din sakin”
“Ano ang gusto mong gawin ko. Kampihan kita. Brad kapatid ko si Sam, mahal ko iyong taong sasaktan mo” diin pa niya
Napayuko nalang si Kyle at umiyak “Sorry”
Hindi rin napigil ni David ang luha niya, galit man siya ay pinilit niya ang sarili na muling umupo sa kama, kaharap ang umiiyak ding kaibigan. Hinawakan niya ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...