PART 51

53 5 3
                                    

WALANG gustong magsalita sa kanilang dalawa, tanging yabag lang ng kanilang mga sapatos ang kanilang ginawang ingay upang idagdag sa ingay ng mga mangilan ngilang sasakyang dumaraan. Nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang panay na lingon ni Travis sa kanya tila nais nitong basagin ang katahimikan subalit naghahanap ito ng tamang tiyempo.

Tiyak magagalit na naman si Justin sa kanya kapag nalaman nitong walang nangyaring usapan kahit sabay na silang umalis sa bahay ng kaibigan. Isinuksok niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa nang maramdaman niya ang kamay ni Travis na paulit ulit dumikit doon.

Ngunit nakahalata si Travis nang ginawa niya iyon na dahilan upang huminto ito sa paglalakad. Huminto din siya. Humarap siya dito.

Hindi galit ang muka nito dahil kalungkutan ang nabasa niya. Magsasalita sana ito na inunahan niya.

“Sorry Travis, dahil sakin nahihirapan ka. Nasa process pa rin ako ng pagmomove on sa naging masamang karanasan ko noong mga nakaraang linggo. At sadyang naiilang ako sayo”

Tahimik lang si Travis na nakikinig sa paliwanag niya

“Dati kasi sinusulatan lang kita, masaya na ako doon. Ngayong nahahawakan na kita, natitigan na pinapangarap ko lang noon di ko alam ano ang gagawin. Parang sasabog ang puso sa kiliig kapag nandyan ka” nakagat niya ang ilalim na labi niya sa mga salitang di niya masikmura

Gumuhit ang ngiti ni Travis na nakapagbigay panatag sa puso niya.

“Hindi mo kailangan kabahan sakin. Kasalanan mo kaya naging baliw ako sayo” nakangiting sabi ni Travis. Humakbang ito palapit sa kanya, hinawakan ng dalawang kamay nito ang dalawang kamay niya, natuon ang kanyang paningin sa mahigpit na hawak nito. Napakalambot ng kamay nito na bumalot sa mga kamay niya sa laki noon.

“Sam” tawag nito

Napatingin siya sa kaharap

“Alam mo ba ikaw ang dahilan kung bakit nagagawa kong ngumiti. Ang mga magulang namin noon ay parating nag aaway, at alam kong nagsasama nalang sila dahil sa reputasyon nila, sayo lang ako tumawa na di ko nagagawa noon”

Tumagos sa puso ni Sam mga salita nito, naalala niya ang pinagdaanan nila noon ng kapatid ni David. Alam niya kung gaano kasakit ang marinig na nag aaway ang dalawang pinakamamahal mo.

“Kaya nga kami naging ganito ni Kuya Arthur, alam ko naging malaking epekto iyon sa kapatid ko. Kaya hindi niya maipakita ang damdamin niya. Kinulong kami ng mga magulang namin sa mundo nila” namumuo na ang mga luha nito sa mga mata

Bumitiw si Sam sa pagkakahawak ni Travis, isinuksok niya ang mga kamay niya sa baywang ni Travis. Mahigpit niyang niyakap si Travis.

“I’m sorry” sambit ni Sam, hinaplos niya ang likod nito

“Ikaw ang nagbago ng takbo ng buhay ko” hindi humagulgol si Travis, niyakap niya lang ng mahigpit ang maliit na katawan ni Sam

Dahan dahan silang naghiwalay, bago pa man tuluyan silang magkalayo pinigil iyon ng mga braso ni Travis na nanatili sa baywang ni Sam. Nagkatitigan sila.

Nanlaki ang mata ni Sam, nang halikan nito ang noo niya, kasunod ang paghalik nito sa dulo ng ilong niya. Idinikit nito ang noo sa noo niya, ibinaba pa nito ang katawan upang magpantay sila.

“Gustong gusto kita Sam” sabi nito

Napapikit si Sam, napalapit ng muka nito, hindi siya komportable. Hinigpitan pa ni Travis ang yakap sa baywang niya. Napadilat nalang siya ng maramdaman ang labi nito sa labi niya. Nakapikit si Travis.

Bumilis ang tibok ng puso ni Sam, tama ba ito. Napapikit siya muli. Mula sa pagkakadampi ng labi nito tila mas nais pa nito lumalim iyon sa mas humihigpit na yakap nito, hinagkan nito ang ibabang labi niya. Napamulat siya muli at sa pagkakataong iyon naitulak niya si Travis palayo sa kanya.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon