PART 26

55 2 0
                                    

Nakayuko at nakasubsob si Jun sa kanyang tuhod, nakaupo siya sahig at nakasandal sa kama ang likod niya, humihikbi siya dahil pa rin sa takot sa nagawa at sa takot na tuluyan siyang kamuhian ng mga kapatid. Walang kasiguraduhan kung ano ang magiging hakbang ni David para sa kanya sa kabila nang pagsunod niya dito.

Hindi niya narinig ang pagtunog ng cellphone niyang natakpan ng kumot, hindi niya nasagot ang tawag ni David na kanina niya pa inaantay.

Hindi na muling tumawag pa si David nang hindi sinagot ni Jun ang tawag na iyon. Nakaupo siya sa kama at tinatanong ang sarili kung bakit nagdesisyon siya ng ganun. Wala siyang intensyon na manakit ng sino man. Kahit pa sinabi na ni Kyle na hindi magsasampa ng kaso si Danny ay malungkot pa din siya. Naiinis siyang isipin na alam na niya kung bakit mahal na mahal ni Sam si Danny.

Nagkamali siya nang naisin niyang masaktan si Danny dahil lalo lang lumayo ang loob ng kapatid sa kanya. Lalong nagkaroon ng barrier ang relasyon nila. Maga na ang kanyang mga mata sa kakaisip. Nais niyang may makausap, hindi naman niya matawagan si Kyle dahil nahihiya na rin siya dito na maghapon siyang sinamahan kanina at hindi umalis sa tabi niya sa kabila nang masasakit na salitang sinabi niya kay Shone at Sam kanina.

Hindi rin mawala sa isip niya ang kalagayan ni Jun ngayon, sana okay lang ito ngayon.
Napatunayan niyang totoo ang damdamin nito para sa kanya kaya pinapangako niyang hindi niya sasayangin ang pag ibig nito, kungsakaling manatili pa ito sa tabi niya.

Muli niyang dinampot ang cellphone niya na nakapatong sa kama, binuksan niya ang message ng misteryosong numero na bumati sa kanya noong kaarawan niya. Nireplyan niya ito.

“Magkita tayo sa park”

Bukod sa nais niyang may makausap ay nais niya rin itong makilala. Hindi nagtagal nagreply ito.

“Okay” reply nito

Kumabog ang dibdib niya, magkikita na talaga sila. Tama ba itong ginagawa niya. Paano kung masamang tao pala ito or pinagtitripan lang siya.

Sa kabila ng punong puno ng pagdududa ay pumunta pa rin si David sa lugar na sinabi niya. May mga taong naroon din ngunit duda siyang isa roon ang secret admirer niya  dahil pawang may mga kasama ang mga ito.

Umupo siya sa sementadong upuan doon na nakaharap sa ilog. Sa malamig na hangin na umihip sa balat niya ay naibsan nito ang mabigat na pakiramdam niya, pumikit siya, huminga siya ng malalim. Sa dami ng nangyari, ngayon niya lang muli naramdaman ang magaan na pakiramdam.

Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata nang marinig ang yabag ng sapatos na huminto sa gilid niya at tila umupo sa tabi niya. Lumingon siya dito.

“Ikaw” nanlalaki ang kanyang mga mata

Ngumiti ito sa kanya “Surprise!” masayang bati ni Travis

Napatayo si David “Imposible. Ano.. anong ginagawa mo dito”

Hinaltak ni Travis ang braso niya upang maupo siya muli “Ikaw ang nagpapunta sakin”

“Paano, imposible”

“Anong imposible? Gusto kita David”

Naihilamos ni David ang dalawang kamay sa muka niya, napapailing siya “Senior mo ako” sabi niya nang nilingon niya ito

“Eh ano naman. Nagustuhan mo ang chocolate na ibinigay ko sayo”

“Hindi ako kumakain ng galing kung kanino lang”

“Pero tinext mo ako”

“Kailangan ko lang ng makakausap akala ko may mapapala ako sayo”

Umurong si Travis upang makadikit siya, umurong naman palayo si David

“Pwede ba umupo  ka lang malalaglag ako dito eh” pagsusungit niya pa

Ngumiti si Travis “Ang cute mo talaga”

“Senior mo ako kaya hindi ko maaari iyang nais mo”

Nawala ang ngiti ni Travis.

Itinuon ni David ang tingin sa ilog. “May iba akong gusto at karapat dapat siya para sakin. Kasing edad mo lang ang nakababata kong kapatid kaya mabuti pang kalimutan mo nalang iyang nararamdaman mo”

“Napakatagal kong itinago ang nararamdaman ko para sayo tapos ganyan lang sasabihin mo. Hindi na ako bata”

“Hindi na nga para sayo pero para sakin bata ka pa. Mag aral ka nalang” nanatili siyang hindi nakatingin sa katabi

“Ganyan ba kadali sayong itaboy ang mga taong nagmamahal sayo”

“Baka. Kaya nga lagi akong iniiwan”

“Bakit hindi mo muna ako bigyan ng pagkakataon”

Sa inis ni David ay binigyan na niya ito ng tingin “Alam mo ba ano ang sitwasyon ko ngayon, pinapunta kita dito para may makausap ako. Wala na akong oras para pagtuunan iyang nararamdaman mo. Nagkamali akong pinapunta kita dito”

“Okay kung yan ang gusto. Pero hayaan mong maging magkaibigan tayo, makikinig ako sayo”

“Forget it. Umuwi ka nalang” tumayo na si David at iniwang mag isa si Travis

<120403>

Hindi inasahan ni Travis na ganun ang mangyayari sa una nilang pagkikita ng matagal nang hinahangaan. Grade 5 palang siya noon ng makita niya ito, Grade 7 naman ito ng mga panahong iyon. Sikat na sikat ito sa eskwelahan dahil miyembro ng vocal team, maraming humahanga na katulad niya dito at gaya niya ay mga walang lakas ng loob para lapitan ito.
At buong akala niya ay may gusto rin sa kanya dahil may isang pagkakataon na ngumiti ito sa kanya ng magkasalubong sila sa pasilyo noon. Inakala niya rin na ito ang naghuhulog ng mga joke sa locker, kahit imposible ay iyon ang naging motivation niya upang kolektahin ang mga card.

<120403>

Hindi pa rin dinadalaw ng antok si Justin, bukod sa pag aalala sa kapatid ay iniisip niya si Sam. Nanghihinayang siya sa friendship nila, marami naman siyang friends ngunit kay Sam lang siya lubos na naging kumportable na ishare ang lahat ng bagay. Ngayong galit ito sa kanya di niya alam kung magiging masaya pa siya.

Isang mensahe ang natanggap niya mula kay Travis na nakapagpabalikwas sa kanya ng tayo mula sa pagkakahiga. Nais nitong magkita sila, kahit pa noong mga nakaraang araw ay nawalan na siya ng gana dito dahil na rin tingin niya hindi naman talaga ito interesado sa kanya.

Hindi na niya inisip ang oras, agad siyang nagbihis upang puntahan ito kahit pa wala siyang ideya sa dahilan nito. Nasa sala si Kevin nang lumabas siya kaya nakita siya nito, tumayo ito at lumapit sa kanya, tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

“Saan ka pupunta?”

“May bibilhin lang ako”

“Sasamahan kita”

“Hindi na kailangan kasi saglit lang naman ako”

“Gabi na para lumabas ka pang mag isa. Antayin mo ako magbibihis lang ako”

“Kuya wag na kaya ko na ito. Magkikita kasi kami ni Travis”

“Travis? Ngayon ko lang nalamang close pala kayo”

“Basta, saglit lang ako mawawala tapos babalik ako agad”

“Sasama ako”

Napakamot ng ulo si Justin “O sige na nga bilisan mo”

<120403>


Mabuti nalang at hindi na muling nagtanong pa si Kevin ng tungkol kay Travis habang nasa taxi sila, pinuntahan nila si Travis sa park na itinext nito. Hindi niya pinahahalata sa kapatid na kabado siya na makita si Travis, wala siyang ideya ano ang dahilan ng pagnanais nitong magkita sila, noong tinry niyang tawagan ang cellphone nito ay hindi naman nito sinasagot.

Nadatnan niya si Travis na nakaupo sa upuan doon sa park, siya lang ang lumapit dito, sinabihan niya ang kuya niyang huwag nang lumapit upang hindi mailang si Travis. Nakayuko lang si Travis na hindi gumalaw kahit pa umupo na siya sa tabi nito.

“Travis” sabi niya

Tumunghay ito at lumingon sa kanya, kahit hindi ganun kaliwanag sa pwesto nila ay naaninag niya ang basang pisngi ng minamahal.

“Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak”

Imbes na sumagot ito ay itinaas nito ang isang 500 ml na brandy at ininom, nanlaki ang mata ni Justin dahil sa ginawa nito. Napakabata pa nito para uminom kaya agad niyang inagaw ito, na tila huli na, kasi naubos na nito iyon.

Bumagsak ang ulo ni Travis sa mga hita niya. Ibinaba niya ang bote sa lupa, lumingon siya sa kapatid niya kung nakatingin ba ito sa kanila, mabuti nalang at nakatalikod ito at busy sa cellphone. Nang masigurado na niyang walang nakatingin sa kanila ay tinitigan na niya ang mukha nito na mahimbing na natutulog. Dahan dahang hinawi ng kanyang daliri ang buhok ni Travis na humarang sa muka nito, dumikit sa balat nito ang daliri niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso niya. Napatitig siya sa muka nito, hinaplos niya ang pisngi nito ng dahan dahan upang hindi ito magising. Akala niya hindi na niya ito gusto, akala niya kaya na niyang bumitaw sa pagmamahal niya dito, ngunit habang nakatitig siya ngayon dito nang malapitan, ay bumalik lahat ng nararamdaman niya para dito, na tila mas dumoble pa dahil sa init ng katawan nito na tumatagos sa balat niya.

“Pa..ta..wanin mo ako” sambit ni Travis na nanatiling nakapikit, hindi niya tinanggal ang kanyang kamay sa pisngi nito.

Parang kinurot ang puso niya, naalala niyang hindi na pala siya nagpapadala ng joke dito, posibleng nakakatulong ang mga corny jokes niya para mapasaya ito. Posible bang iyon din ang dahilan kung bakit nagpakalasing ito. Pero bakit siya ang tinawagan nito? Alam na kaya nito na siya ang nagpapadala ng mga card.

Dinala nila si Travis sa bahay nito, dahil na rin sa pamimilit ni Kevin na iuwi ito. Tinawagan nito si Arthur upang malaman ang address at maihatid doon si Travis.

“Salamat” sabi ni Arthur, nang maihiga na si Travis sa kama nito nina Justin at Kevin.

Umiwas ng tingin si Arthur nang magtama ang tingin nila ni Kevin.

“Mauuna na po kami” paalam ni Justin

“Hindi mo ba kami aalukin ng kahit ano” sabi ni Kevin, nasiko siya ni Justin

“Nagbibiro lang si kuya, mauuna na kami”


Walang reaksyon si Arthur kay Justin lang siya nakatingin.

“Salamat ulit” sabi muli ni Arthur

Hinila na ni Justin ang kapatid palabas ng bahay. Sa laki ng bahay hindi mo aakalaing dalawa lang sina Arthur na nakatira doon, nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang na busy sa ibang negosyo doon.

Umupo si Arthur sa kama ng kapatid, nakatitig siya sa muka ng tulog ng kapatid. Nalulungkot siya na makitang nasa ganoong kondisyon ang kapatid, hindi niya napansin na may pinagdaraanan ito, masyado siyang nagfocus sa  damdamin niya para kay Kevin. Hindi niya nagampanan ang pagiging kuya sa nakakabatang kapatid.

Nakatanggap si Arthur ng mensahe galing kay Kevin.

“Ang cute mo sa pajama mo” napangiti siya sa mensahe nito, napatingin siya sa suot niyang pink bear pajama. “I miss you” nasabi niya sa isip niya.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon