PART 39

44 6 5
                                    


DAHAN dahang iminulat ni Sam ang kanyang mga mata, namilog ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya ang tulog na tulog na si John. Mahimbing na mahimbing natutulog na parang baby, sa iisang unan lang sila nakahiga, sa unan niya.

Magkaharap sila ng isang dangkal lang ang pagitan. Nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan ang makinis na muka nito, hindi man ganun kaliwanag dahil na rin sa iisang study table lamp lang ang naging source nila ng liwanag, pero dahil sobrang lapit ni John hindi siya nahirapan aninagin ito. Bumaba ang kanyang mga mata sa mapula pula nitong labi, napangiti siya na agad niyang binawi. Bakit siya bigla biglang ngumingiti ng walang dahilan, nakakahiya kapag nalaman nitong hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakamove on.

Gusto niya talaga maulit iyon, hindi naman siguro kailangan na si John ang makakasama niya kapag nakipaghalikan siya, maaaring si Kyle na sa susunod, at siguradong mas hahanap hanapin niya iyon kasi may nararamdaman sila para sa isa't isa. Kung mayroon man gusto si John sa kanya, siya naman ang wala, kaya marahil hindi pa sagad ang kaligayahang iyon.

Nagdesisyon na siyang bumangon, mahirap nang mahuli siya nito muli na nakatingin dito at mag isip ng iba. Naligo na rin siya upang hindi na sila mag agawan pa sa oras sa maliit nilang paliguan.

Maya maya pa bumangon na ito, inaayos niya ang kanyang bag nang makita siya nito.

"Ang aga mo namang magising" kasunod ang pagbuka ng bibig dahil sa paghikab

"Tumayo ka na dyan, para sa canteen na tayo mag aalmusal"

Kumunot ang noo nito "Hindi ba sila naghanda ng almusal?" taka nito

"Lumabas ako kanina pero wala akong nakitang tao sa sala, hindi ata umuwi si Kuya Shone"

Ngumisi si John na pinuna niya "Alam ko iyang iniisip mo" natatawa niya pang sabi

"Kakaiba talaga si Shone" nakangiting sabi muli ni John

"Tigilan mo na nga iyan" natatawang sabi ni Sam, isinara na niya ang zipper ng bag

"So tayo lang ba ang tao ngayon" naiilang pang sabi ni John na busy sa pagpindot ng cellphone

Nagtama ang kanilang mga mata na agad ding pinutol ni Sam "Maligo ka na, lalabas na muna ako"

Tumango lang si John pero sa cellphone nakatingin.

Napadelikado na talaga ang maiwan silang dalawa lang sa bahay kasi alam niya sa sarili niyang kapag ikinulong siya sa mga bisig nito ay hindi siya manlalaban.

Tinalikuran niya ito at tinungo ang pinto, bago pa man niya napihit ang doorknob na hawak niya ay narinig niya ang boses ni Jaden sa labas.

Nang marinig ni John ang boses naman ni Kyle ay agad siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Sam na nakapatong sa doorknob, sa laki ng kamay nito ay hindi nanalo ang maliit na kamay ni Sam.

"Bakit ba" iritang sabi ni Sam

"Wag kang maingay" bulong ni John na nakadikit pa ang labi sa tainga niya mismo kaya lalo siyang hindi naging komportable sa sitwasyon nila. Nakadikit ang katawan nito sa likod. Napapikit nalang siya.

Mataas ang boses ni Jaden na ngayon lang nila narinig nang ganun

"Ayoko nang makipag usap" sabi ni Jaden sa kaharap

Ito ang unang beses na hindi nagising ng maaga si Jaden, at nagising lang siya ng makita niyang dumating si Kyle sa silid nila, agad siyang lumabas upang iwasan ito ngunit pilit nitong sinasabi na gusto nitong mag usap sila.

Nilalaban ni Jaden ang sarili na hindi madala sa mga luha sa mga mata ni Kyle, hindi niya kayang tignan ito ng diretso kasi nasasaktan pa rin siya.

"Pakinggan mo muna ako Jaden" mangiyak ngiyak na sabi ni Kyle

"Bakit ba ang kulit mo, ayoko pa muna. Nirerespeto ko kung ano ang gusto mo, sana respetuhin mo ako"

Lalong dumaloy ang mga luha sa mga mata ni Kyle.

"Mahal kita Jaden"

Napamulat si Sam, tama ba ang pagkakarinig niya. Anong mahal?

Hindi sumagot si Jaden, tumulo nalang ang kanyang luha.

"Mali ang iniisip mo samin ni Sam" paliwanag ni Kyle

Nakatitig lang si Sam sa narrang pintuan na nasa harap niya pero ang buong isip niya ay nasa nag uusap sa labas. Tinanggal ni John ang kamay niya sa doorknob, hinawakan nito nang mahigpit iyon, iniyakap nito ang kaliwang braso sa tiyan niya, nararamdaman niya ang pakikiramay nito sa nararamdaman niya.

"Magkaibigan lang kami ni Sam, kung mayroon may akong nararamdaman sa kanya hindi iyon sapat para iwan kita" hagulgol pa nito "Ikaw ang kasama ko noong mga panahong di ko na kaya, di mo ako iniwan"

Walang sagot si Jaden, umiiyak lang siyang nakatitig dito

"Napakasama ko kasi pinaglaruan ko si Sam, ayokong magsinungaling sayo, totoong nagkagusto ako sa kanya, kaso di siya ikaw. Patawarin mo ako, sana pagbigyan mo pa ako hindi ko kaya na iwan mo ako" lumuhod si Kyle "Wag mo akong iwan" mas lalong lumakas ang pag iyak nito

Hindi na nakatiis si Jaden, lumapit siya sa minamahal at niyakap ito ng mahigpit.

Iniharap ni John si Sam sa kanya, may mga luha na sa pisngi nito, niyakap niya ng mahigpit ito, lumakas ang iyak ni Sam pero dahil nakasubsob siya sa balikat ni John ay hindi iyon ganun kalakas.

"I'm sorry" Bulong ni John habang hinahaplos ang likod ni Sam

WALANG salitang sinabi si Sam simula kanina hanggang ngayong magkasabay silang naglalakad papunta sa sakayan, pinauna muna nilang pinaalis sina Kyle bago sila lumabas. Kahit anong tanong niya walang sagot ito kaya hinarang na niya ito sa paglalakad nito. Napahinto ito.

Napatitig sa kanya si Sam na maga na ang mga mata.

"Hindi mo kailangan pumasok kung hindi ka okay, sumama ka sakin" yaya ni John

Walang reaksyon si Sam

"Gusto mo ba uminom tayo" hirit pa muli nito

"Matagal mo na bang alam na may relasyon sila" matapang na sabi ni Sam

Sumeryoso si John "Ako na naman ba ang issue dito" napasuklay siya sa buhok niya "Ayokong sakin manggaling, hindi mo lang talaga nagegets kapag pinahihiwatig ko na"

"Hinayaan mong maniwala ako"

Napakagat labi si John sa inis "Galit ka ba sakin"

"Oo" mabilis na sagot ni Sam "Tinulungan mo pa si Kyle na pagmukain akong tanga. Yung kiss part ba, kasama iyon sa sinasabi mong pahiwatig mo"

Hinablot ni John ang polo ni Sam palapit sa kanya "Wag mong isisi sakin ang katangahan mo. Dahil sa pagiging mahina mo marami kang nasasaktan" diin na sabi ni John na nanlilisik ang mga mata

Nilabanan ni Sam ang lakas nito, tinanggal niya ang mga kamay nito sa polo niya, itinulak niya ito palayo sa kanya na nagtagumpay naman siya.

"Wala kang alam sakin, roommate lang kita" sagot ni Sam

"Tumingin ka sa paligid mo. Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganun si David. Ikaw ang sumira sa buhay ng mga kapatid mo" duro pa ni John

"Wag mong idamay ang mga kapatid ko dito" bulyaw ni Sam "Huwag mo na akong lalapitan o kakausapin, wala kang kwentang tao, makasarili ka"

"Anong alam mo sakin" mahinahong sagot ni John "Di mo nakikita na nag aalala ako sayo" nanginginig ang boses niya

"Dahil ba gusto mo ako" diresto ni Sam

Nagkatitigan sila.

"Huwag mong bigyan ng malisya ang ginagawa ko para sayo"

"Kung ganun di mo na kailangan mag alala sakin, napakarami na nila di kita kailangan" tinalikuran ni Sam ito at naglakad palayo

Napasalampak nalang si John, di niya napigilan ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigil

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon