PART 9

68 4 0
                                    

Nakaupo lang si Sam sa upuan sa labas ng building nila, nakauwi na ang lahat ngunit siya ay tahimik lang na nakaupo doon. Sa isang estudyante niya narinig ang tungkol sa nangyaring gulo sa Senior building kungsaan parehong Kuya niya ang involve.

Hindi niya akalaing aabot sa ganun ang sitwasyon nila, hindi niya akalaing kikimkimin ni Danny ang pag iyak niya, kasalanan niya ito, kung hindi lang sana siya naging mahina ay hindi sana nauwi sa gulo. Dapat nga siguro na tanggapin na niya ang kapalaran nila ni David, kasi kung ipagpipilitan niya pa ang sarili baka hindi lang siya ang masaktan sa huli.

Mahal na mahal niya si Danny kaya hindi niya rin talaga kayang malayo dito, ngunit kung nagiging pabigat na siya dito mas makakabuti ata ang layuan na niya ito. Napakabait nito na napapasama dahil sa pagprotekta sa kanya.

Marahil ay hinahanap na siya ni Danny ngayon kapag nalaman nitong wala pa siya sa bahay at hindi nga siya nagkamali. Puno nang pag aalala ang muka nito na humahangos palapit sa kanya.

“Sam!” patakbo itong palapit sa kanya

Tumayo siya mula sa pagkakaupo, kita niya ang mga tatlong pasa na dumumi sa magandang muka nang kapatid.

“Bakit?” diretsa niyang sabi

“Alam mo na”

“Nais mo pa bang itago sakin kahit bakas naman sa muka mo” pagtataas niya nang boses

“Hindi ko sinasadya, nadala lang ako nang galit ko”

“Ano pa bang kailangan kong gawin para tanggapin mo siya”

“Siya ang hindi ka matanggap. Sinasaktan ka na niya, anong gusto mong gawin ko, hayaan ko lang siyang paiyakin ka”

“Hindi mo siya tanggap sa buhay ko kaya ka ganyan. Hindi naman importante kung ano kami, ang importante naman diba tayong dalawa. Kung mahal mo ako hindi mo siya sasaktan”

“Bakit ganyan ang tono mo, kinakampihan mo ba siya”

“Dapat ba ikaw kampihan ko”

“Siya ang nagsimula hindi ako. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko”

“Hindi mo kailangang manakit ng dahil sakin. Kung hindi na nagiging normal ang buhay mo nang dahil sakin, siguro mag iwasan muna tayo”

“Paano mo nagagawang sabihin yan sakin. Kung pantay kami para sayo dapat kaya mo rin akong maintindihan gaya nang pagkakaintindi mo sa kanya”

“Napapagod na ako kuya, gusto ko layuan mo muna ako”

“Napapagod ka na sakin! Dahil ba mas gusto mo siya”

“Dahil nasasaktan na kita”

“Sige irerespeto ang nais mo. Lalayuan na kita kung sa kanya ka masaya”

“Huwag ka namang ganyan, huwag mong timbangin ang pagmamahal ko sa inyong dalawa. Pamilya ko kayo, nais kong maging isa tayo”

“Alam mong imposible yan dahil sa bwisit mong kapatid, sumama ka na sa kanya, bahala ka na sa buhay mo”

Pagkatapos nang mga salita ni Danny ay tinalikuran siya nito at umalis.

<120403>

Alam niyang masama ang loob ni Danny sa mga salitang hindi niya sinadyang sabihin na dala lang nang sama ng loob dahil sa nangyari kaya minabuti niyang kina David umuwi.

Naabutan niya ang dalawa na nasa sala. Ginagamot ng ama ang muka ni David.

“Anong ginagawa mo dito?” iritang sabi pa ni David

Umupo siya sa isang single na sofa doon.

“Humihingi ako nang sorry sa nagawa nang kuya ko”

“Bakit ikaw ang hihingi nang tawad, wala ba siyang bibig para sabihin yan.” Naggagalaiti pang sabi ng ama

“Pa, hindi lang naman si Kuya Danny ang nagsimula”

“Sinasabi mo bang ako din ang nagsimula” pagtataas ng boses ni David

“Hindi naman ganun” galit ang tono ni Sam “Pero huwag niyo naman lahat isisi sa kanya. Ginawa niya lang iyon para sakin”

“Para sayo? Ano bang ginawa ko sayo”

“Huwag mo na siyang ipagtanggol anak, naiintindihan kong nais mong maging patas ngunit mali na siya”

“Nabrainwashed ka na niya kaya lahat nalang nang sinasabi niya pinapaniwalaan mo”

“Hindi mo siya kilala. Huwag kayong magsalita nang ganyan sa kanya. Mabuti siyang tao”

“Anak concern lang kami sayo. Hindi mo ba nakikita na kinukuha ka niya samin. Pumayag lang naman akong tumira ka sa kanya kasi inirerespeto kong mahal mo siya, pero kami ang pamilya mo. Ano pa ba ang kaya niyang gawin para makuha ka, kung nagawa niyang saktan si David dahil sa obssession niya sayo, nakakasigurado ka bang hindi ka niya kayang saktan din”

“Mali kayo nang pagkakakilala sa kanya, hindi siya katulad ni David”

Napakunot nang noo si David sa sinabi niya.

“Nagalit ako sa kanya kasi pinili kita, naniniwala akong hindi mo kayang manakit nang ibang tao, Na ikaw pa rin ang David na kilala ko noon na hindi gaganti kahit galit na galit na.

Nakalimutan ko  kung gaano kababaw ang luha ni Kuya, hindi ko inisip kung masasaktan siya dahil siya ang sinisisi ko” kasunod ang pagtulo nang mga luha. “Tinatanggap ko na hindi na tayo babalik sa dati, pagod na ako. Gusto ko lang naman makumpleto tayo kasama si Kuya. Di ko siya kayang iwan kasi siya ang taong nariyan noong wala ang pamilya ko. Ikaw lang ang nag iisip na nagbago ang lahat”

Tumayo siya “Titigilan na kita, umasa kang simula ngayon wala ka nang kapatid”

Tumayo si Jinu “Anak naman, huwag kang magsalita nang ganyan”

“Mauuna na po ako”

“Sam !!” habol na tawag pa nang ama

Napayuko nalang si David.

“Kausapin mo siya anak” yugyog pa ang ama sa balikat niya, na umiiyak na sa sinapit nang mga anak.

“Sorry po” nanginginig na ang boses nito sa hindi mapigil na iyak

<120403>

10:30 pm nang kumatok si Danny sa bahay nila David. Si David ang nakabukas.

Parehong galit man sa isa’t isa ay nanatili silang tahimik at hinayaan ang kanilang mga mata na magpalitan nang sama nang loob.

“Wala akong ibang intensyon, gusto ko lang malaman kung nandyan ba siya. Hindi pa kasi siya umuuwi” si Danny

“Kanina pa siya umalis, hindi mo ba siya tinawagan?”

“Nagtext lang siya sakin kanina na huwag daw akong mag alala sa kanya”

“Mabuti ka pa nakareceived nang text”

“David_”

“Wala akong ibang ibig sabihin. Sasabihin ko kay Papa na tawagan siya”

Napansin ni David ang pamamaga nang mga mata niya

“Huwag mong isiping pinili niya ako, wala siyang kinampihan sating dalawa. Galit pa rin ako sayo at hindi na magbabago iyon. Kung mahal mo talaga siya pwede bang huwag kang mapagod sa kanya, ibigay mo lahat ng hindi ko naibigay para hindi na siya malungkot”

“Galit din naman ako sayo pero sana rin itrato mo na siya nang tama”

“Isasara ko na ang pinto, balitaan mo nalang kami kung magtext sya o umuwi”

“Sige, maghihintay din ako nang balita mula sa inyo”

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon