PART 11

65 5 2
                                    

Hindi niya inasahan na muka ni Justin ang bubungad sa kanya nang magising siya ng umagang iyon. Tulog na tulog ito na nakabuka pa ng kaunti ang bibig, napakalapit ang muka nila sa isa’t isa. Kung susukatin ay halos two inches nalang ang pagitan sa mga labi nila. Naamoy na niya ang hininga nito na wala namang amoy at naririnig ang tibok ng puso nito.

Nakayakap din ang braso nito sa baywang niya. Bumilis din ang tibok ng puso niya, sanay man siyang may katabing lalaki sa higaan ngunit bago sa kanya na ganito kalapit. Madalas naman siyang yakapin ni Danny ngunit iyon ay walang malisya sa kanya dahil magkapatid naman sila. Iba si Justin, magkaibigan sila pero hindi pa sila ganoong matagal magkakilala kaya ang ganoong position nila ay nakakailang para sa kanya. Paano kung maglapit ang mga labi nila ano ang mangyayari, alam naman niyang si Travis ang gusto nito kaya tiyak iiwas ito sa kanya.

Nagtikom ang bibig nito at kasunod noon ang pagmulat ng mga mata nito. Halata sa namilog nitong mga mata ang pagkagulat ngunit nanatili ang braso nito sa tagiliran niya. Lumunok ito at mas bumilis ang tibok ang puso.

Dahil sa lapit ng muka nila sa isa’t isa, doon niya nasuri ang singit na mata nito, morenong makinis na muka. Naramdaman niya ang kamay nito na humigpit ang pagkakayakap na tila nais pa siyang lumapit pa.

Binasag ng malakas na utot ni Justin ang katahimikan nila, na naging dahilan ng malakas na tawanan nila, humiwalay ito at naupo sa kama na nanatili ang di mapigilang pagtawa.
Bumangon na rin siya, nakahawak pa siya sa tiyan sa tindi ng pagtawa.

“Pasensiya kana Sam” kasunod muli ang tawa

“Wala iyon”

“Pero alam mo ba kung bakit malakas iyon” nakangiti pang sabi ni Justin”

“Dahil pinigil mo?”

Umiling ito “Hindi, kung hindi pinilit ko” natatawa pang paliwanag nito “Sa konting minuto ng nangyari kanina pakiramdam ko nainlove ako sayo, para kang may brilyante sa mga mata mo kumikinang. Ang sarap mong halikan”

Natawa lang siya sa sinabi nito “Salamat sa utot mo, dahil kung hindi ka umutot di ko alam paano ka haharapin ulit”

“So, gusto mo din akong halikan” naitakip ni Justin ang dalawa niyang kamay

Naalarma si Sam sa naging reaksyon ni Justin “Ang lapit kasi tapos hinihila mo pa ako palapit sayo” depensa niya

Bumaba ito sa kama at tumayo. “Sam huwag kang ganyan tropa tayo”

“Pero kasi ikaw bakit ka kasi nakayakap sakin”

Napahagalpak ng tawa si Justin “Ang cute mo”

Napangiti siya sa biro ng kaibigan.

<120403>

Niyaya siya ni Justin para mag almusal, nahihiya man siyang sumabay sa mga ito ay hindi siya nanalo sa kakapilit nito, nadatnan nila si Kevin na nag aayos ng lamesa. Maaaring ito ang nagluto ng sinangag, pritong itlog, pritong hotdog at longganisa.

Ngumiti si Kevin nang makita siya na ibang iba sa pagsalubong ng isa pang kuya nitong si Jun. Si Kevin pa ang nagsandok ng kanin at naglagay ng ulam sa plato niya.

“Salamat po”

“Huwag kang magpasalamat, kaibigan ka ni Justin kaya pamilya ka na namin. Minsan lang magdala ng kaibigan sa bahay yan”

“Siya lang kasi ang naglayas kong kaibigan” natatawa pang sabi ni Justin

Nagtawanan silang tatlo, napahinto si Sam sa pagtawa nang dumating na si Jun, naupo ito sa tapat niya, hindi siya nito binigyan ng pansin.

“Salamat po pala sa pagpapatuloy sakin dito” sabi niya

“Bakit ganyan tono mo parang aalis kana” sabi ni Kevin


“Opo aalis na ako pagkatapos nito”

“Uuwi ka na ba sa inyo?” usisa ng katabi niyang si Justin kasunod ang pagsubo ng kutsara
Umiling siya “Maghahanap po ako ng apartment”

“Huwag ka munang umalis hangga’t wala ka pang nakukuhang bahay, dito ka muna Sam” pakiusap ni Kevin

“Narinig mo si Kuya Kevin, masaya kami nandito ka sa bahay. Kailangan kita dito, huwag mong pansinin si Kuya Jun” sabi ni Justin

Napahinto si Jun sa pagkain at napatingin sa kapatid “Justin nandito lang ako, parang ako pa kontrabida sa pagtira niya dito”

“Ikaw nga” sagot ni Kevin “Pinag iinitan mo siya kasi bago lang siya sa Treasure, ibigay mo na siya sakin ako nang bahala sa kanya”

Napakasarap pakinggan na may malasakit ang pamilya ni Justin sa kanya kahit pa ngayon niya lang nakilala ang mga ito.

“Paano kung dumating ang pamilya niya dito ay satin magalit”

“Kuya nagpaalam naman siya na hayaan muna siya. Huwag kang masyadong negative, ang hilig mo kasi sa bugbugan kaya lahat nalang gusto mo awayin”

“Ikaw” duro pa ni Jun sa kapatid na si Justin sa inis

Ibinaba ni Kevin ang daliri ng nakatatandang kapatid “Kuya nanggigigil ka na naman, hindi ako magluluto mamaya kapag binatukan mo iyan” banta pa ni Kevin

Napahampas nalang sa lamesa si Jun sa inis “Hay naku bahala na nga kayo. Hindi porket cute siya magtitiwala na kayo sa kanya. Tinanong niyo ba kung bakit siya naglayas”

“Madaldal daw ang kuya niya at mainitin ang ulo” pigil ang tawa ni Justin ng sinabi iyon na patungkol sa ugali ng kuya Jun niya

Pinipigil din nila Kevin at Sam ang tawa nila.

“Justin inuubos mo ang pasensiya ko”

“Magyoga ka na lang nga daw sa kwarto sabi ng kuya Kevin” dagdag pang biro ni Justin
Binigyan ni Jun si Sam ng masamang tingin, kasunod ang pagtayo sa kainan at tumayo na papunta sa direksyon ng silid.

“Justin dapat hindi mo ginanun ang kuya mo” sabi pa niya

“Okay lang iyon. Magyoyoga lang iyon sa loob” nakangiting sabi ni Justin

“Hayaan mo si Kuya Jun mainitin talaga ulo niya pero alam niyang nagbibiro lang kami, mahal namin siya at mahal niya kami kaya di niya kaya kaming pagbuhatan ng kamay. At doon niya nadiscover ang yoga” sabi ni Kevin kasunod ang malakas na tawa na sinamahan ni Justin

Natawa na lang din siya sa masayang samahan ng mga ito.

<120403>

Inako na niya ang paghuhugas nang plato bilang pasasalamat sa masarap na agahan na hinanda ng mga ito. Nadatnan niya si Justin na nagbubutones ng uniporme nang pumasok siya sa silid.

“Ang bilis mong maghugas, sinabon mo ba iyon?” biro pa ni Justin

“Sinasabunan ba iyon” sakay niya pa sa biro nito.

Sabay silang nagtawanan.

Umupo siya sa kama, kungsaan nakakalat doon ang bag at ilang gamit ni Justin. Napatingin siya sa isang card na nakaipit sa notebook nito, kinuha niya ito.

“Hindi ka ba papasok?” tanong ni Justin

“Ano ito?” tanong niya nang mabasa niya ang nakasulat sa maliit na card

“Yan ba, ano yan greetings card”

“Para kanino?”

“Kay Travis. Basahin mo nang malakas ang nakasulat dyan”

“Sige” binuklat niya muli ang card na walang kahit anong design, plain white lang ito “Anong sabi ng palaka sa dyowa niyang palaka” napangiti siya “Edi kokak” dugtong niya

Napahalakhak si Justin “Sobrang nakakatawa diba”

“Nakakatawa pero di ko gets”

“Di ko siya kayang kausapin kaya sinusulatan ko siya”

“May hidden message ba ang joke mo?”

“Wala. Siguro ang hidden message diyan ay kapag tumawa ka mahal mo ako. Uy brad tumawa ka”

Nagtawanan sila sa biro nito

“Naku Justin nahuhuli mo na ako” biro niya pa

“Wag muna Sam, tago mo pa iyan”

“Pero bakit walang pangalan?”

“Tingin mo matutuwa siya kapag nalaman niyang ako ang gumagawa niyan”

“Oo naman, ako nga natutuwa”

“Magkaiba kayo kasi ikaw gusto mo ako, kumpara sa kanya na hindi ako gusto”

“Paano mo nalaman na hindi ka niya gusto”

“Hindi niya ako pinapansin, lagi niya akong nilalagpasan kapag kinakausap ko siya”

“Paano mo ibinibigay ito sa kanya?”

“Hinuhulog ko sa locker niya”

“Hindi ka nahuhuli?”

“Ibang tao ang inuutusan ko na maghulog niyan, nauubos ang allowance ko para lang ipambayad sa uutusan ko niyan, mabuti nalang ngayon nandyan kana”

“Ah, ako na ang maghuhulog nito ngayon?”

Ngumiti si Justin “Ang bilis ng utak mo brad, lalo tuloy akong nahuhulog sayo.”

“Nahahawa na kasi ako sayo”

“Kung aabsent ka sino ang maghuhulog niyan ngayon”

“Pupunta ako ng school para sayo”

“Yan ang gusto ko sayo” humalik ito sa noo ni Sam

“Brad para saan iyon?” tukoy sa kiss

“Thank you in advance. Wag mong kalimutan ikaw ang back up ko”

Sabay silang nagtawanan.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon