PART 57

44 4 4
                                    

NANG labasan dumeretso si Sam sa vocal club upang sana ay sabay na sila ni David na umuwi. Simula kasi nang lumipat siya sa bahay nila ay hindi pa sila nagkakasabay umuwi.

Hindi pa man siya nakakapasok sa nakabukas na pintuan ng club ay napahinto na siya sa bukana nito. Napatingin siya sa taong busy na nagpapatugtog ng piano.

Naalala niya ang mga unang araw niya sa eskwelahan kungsaan niya nakilala si Kyle.

Humakbang siya papasok, sa kabila ng nangyari ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito.

Dahil simula’t simula pa lang sinabi na nito ang dulo nila. Napangiti siya sa magandang musikang tinutugtog nito. Si Kyle pa din ang first love niya na bahagi na nang buhay niya.

Huminto sa pagtugtog ito. Humarap ito sa kanya. Nagulat ito na makita siya kaya ngumiti siya upang iparamdam dito na wala itong dapat ipag alala sa kanya.

Ngumiti ito. Tumayo ito palapit sa kanya.

“Hi” nahihiyang bati nito

“Kumusta. Namiss kong marinig ka”

“Namiss ko din na turuan ka” matipid nitong sabi

Hindi matagalan ni Kyle na titigan si Sam dahil nahihiya pa din siya sa nangyari.

“Okay na ako, gusto kong maging okay tayo ulit”

Binigyan ni Kyle si Sam ng tingin “Salamat” ngumiti muli si Kyle “Si David ba ipinunta mo dito?”

“Sasabay sana ako sa kanya, kaso mukang umuwi na siya”

Nawala ang ngiti ni Kyle na ipinag alala ni Sam “Bakit?” taka ni Sam

“Simula nang masaktan kita hindi na ako kinausap pa muli ni David. Umalis na rin siya sa club”

“Gusto mo bang kausapin ko siya”

Umiling si Kyle “Okay lang. Kasalanan ko naman kaya nasira ang friendship namin. Mahal na mahal ka niya Sam. Wag mo nalang siyang iiwan ulit para di na siya muling mag isa. Masungit man siya kung minsan pero mabilis naman siyang malambing”

“Kakausapin ko siya. Ikaw ang nandyan noong wala ako kaya nakakapanghinayang na mawawala ka dahil lang sakin”

“Salamat” wika nito “Kaya huwag mong sasabihin na nag away kayo ni John dahil tiyak susugudin ng kuya mo iyon” biro pa ni Kyle

Sumeryoso ang muka ni Sam “Paano mo nalaman iyan? May sinabi ba siya sayo?”

“Wala pero alam kong nagkaroon kayo ng misunderstanding dahil sakin”

“Wala kang kinalaman doon”

“Mahal ka niya Sam, nakita ko kung paano siya umiyak nang dahil sayo”

Tumungo lang si Sam.

“Gustong gusto ka niya. Parati niya akong inaaway noon para lang iwan na kita kasi alam niyang masasaktan lang kita”

Humikbi si Sam na hindi napigil ang pag iyak ngunit nanatili siyang nakayuko.

“Kailangan ka niya Sam. At alam ko kaya mo nagagawang kausapin ako ngayon kasi minahal mo na siya bago pa kita iniwan”

Lumakas ang iyak ni Sam. Gusto siyang yakapin ni Kyle ngunit hindi nito itinuloy. Upang hindi na magising muli ang pag ibig niya noon para kay Sam. Hinawakan lang ni Kyle sa balikat nito.

“Kausapin mo siya”

Umiling si Sam na nanatiling nakayuko

“Sam_”

Tumunghay si Sam, basang basa ang mga pisngi nito  “Napapagod na ako. Ayoko nang ipilit ang sarili ko”

Pinunasan ni Kyle ang pisngi niya “Tahan na kung may makakakita sayong umiiyak baka isipin nilang pinaiyak kita” biro pa ni Kyle

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon